The Simple Things
(Alert! Spg)"Hindi mo man masabi sa akin kung bakit ka masaya ay mukhang alam ko na." Napalingon ako kay tito Rex na ngayon ay nakaupo sa harap ko at hawak ang baso ng wine niya habang ako ay nakatayo at nakasandal sa railing ng kanyang veranda.
Dumaan ako dito galing sa unit ni Ariella. I can't help but rejoice. "What?" Tawa ko.
"Kid, it's written all over your face." Halakhak ng matanda bago sumimsim sa kanyang wine. Umirap nalang ako dahil alam kong aasarin lang ako ng matanda.
"I just came here to see you." Dahilan ko at kinuha ang beer sa ibabaw ng maliit na mesa sa harapan naming dalawa. Tinungga ko iyon. Rinig ko parin ang halakhak niya.
"Saka ka lang dumadalaw ng biglaan sa akin dito kapag masaya ka. And the last time you came here is when you reconcile with your father." Natahimik ako. May naging alitan man kaming mag ama ay tungkol lang sa negosyo iyon pero ngayon ay wala na. Naintindihan naman niya ang gusto ko.
"Three years ago." Pagpapatuloy niya. Wala na talaga akong maililihim sa matandang ito. Hindi ko alam kung ano ang taglay niyang lakas at nakikita niya sa akin ang mga bagay na hindi ko pa nasasabi.
"Fine!" Bumuntong hininga ako at kinamot ang aking batok. "I-i was.. I just... Yes, I'm happy." Kinamot ko ang aking kaliwang kilay at dinungaw ang matanda na ngingiting nakikinig sa akin.
"There is no need to be ashamed, kid. You should be proud that you finally fall in love." Nilingon ko ang matanda. Ang mga ngiti niya na parang hindi siya nakaramdam ng sakit buong buhay niya ay ang isang hinahangaan ko sa kanya.
"I'm not ashamed. In fact it's overwhelming me. It's like a magic." Nakatingin lang ako sa beer na hawak ko at ngumiti ng maalala ang ngiti ni Ariella.
"The way she smile at me. The way her eyes twinkle when she stares at me and the way she tells me she loves me.... It's like a magic." Tumango tango ang matanda na parang naiintindihan ako. Na parang alam niya lahat ng nararamdaman ko.
"That's the beauty of love, kid. It can make you the man that you wanted to be." Aniya. Hindi ako nagsalita. Hindi ko alam ang ibig niyang sabihin pero hindi nalang din ako nagtanong. Besides, I'm new to this kind of relationship.
Sa gabing iyon ay umuwi ako ng malawak ang ngiti sa labi. Tinawagan ko siya ng makauwi ako at habang nakahiga ako sa aking kama.
"You should go to sleep." Aniya sa kabilang linya. I'm sleepy but I don't wanna go to sleep.
"Can I come there?" Biglang tanong ko. Napasinghap siya sa gulat kaya natawa ako.
"W-what? It's pass eleven. We should sleep. Just sleep, okay?" Ngumuso ako at tumango. I want to see her though.
"Okay." Sagot ko at bumuntong hininga.
"Okay, goodnight Calvin." Malambing na sabi niya. I really love her voice. Kinda addicting.
"Goodnight, Ariel. I love you." Matagal siyang natahimik. Hindi ko alam kung naoffend ko ba siya o ano kaya magsasalita na sana ako ng sumagot siya.
"I-i love you." I hate it when she's stuttering like that. Parang takot siyang sabihing mahal niya ako. Parang takot siyang mahalin ako and I don't know why.
Kinaumagahan ay maaga akong gumising. Mabilis akong nagbihis at pumunta sa unit niya. Nagulat pa siya ng kumatok ako sa kanyang pinto.
Her sweet scents gave me the urge to pin her again to the wall and kiss her brains out but I stop myself before she could slap me.
BINABASA MO ANG
His Mistress
RomanceAno ba ang mas masakit? Ang palayain siya kahit mahal mo pa o Ang mahalin siya habang nasa piling ng iba? Ariella, thought blood is always thicker than water. But what if the blood she's protecting is the cause of her bleeding? And the water she's...