Chapter 29

7.2K 161 4
                                    

Hero

Isang buwan akong hindi lumabas ng bahay. Nakiusap din ako kay dad na dito muna ako sa unit ko.

Dahil sa araw araw na nakikita ko si Calvin doon ay nahihirapan lang ako. Ayokong makita siya kahit na saglit man lang. Ayokong maamoy ang pabango niyang lagi kong nalalanghap tuwing dumadaan siya sa harapan ko. Ayokong nakikita ang ngiti niya tuwing masayang nakikipag-usap siya kay Ann. Ayokong naririnig ang boses niya. Ayoko.

"Dito ka nalang ba palagi?" Napalingon ako kay Drey na ngayon ay nakatayo sa tabi ng sofa ko habang pinagmamasdan ako. Gumalaw ako at dumapa.

"Saan naman ako pupunta?" Paos na tanong ko habang nakasobsob sa maliit na unan ang mukha ko.

Naramdaman kong umalog ang sofa sa paanan ko.

"You also need to go out, you know. Nagmumukha ka ng aswang niyan." Biro niya pero hindi ako gumalaw.

"Hey!" Yinogyog niya ang paa ko kaya napaayos ako ng upo sa sofa at humilig sa headrest.

"Para namang siya ang nang-iwan sayo kung makapag luksa ka dito." Siniko niya ako sa braso kaya sinuntok ko siya. Tumawa siya.

"He hates me!" I whined. Tumawa lang ulit siya.

"Of course! What do you expect?.. That he will chase you until you're ready to fight for him?" Napalingon ako sa kanya. He's always here. Siya lang ang pinapapunta ni Lexie dito kapag busy siya. Napangiti ako.

"I just want forgiveness." Napatawa siya at umiling iling na parang nababaliw na ako.

"Akala mo ba madali lang magpatawad? Ella, you need time and space to forgive." Ngumuso ako.

"I know!" Bumuntong hininga ako at umayos ng upo.

"He's married at sa kapatid mo pa. How painful is that?" Pinanlisikan ko siya kaya napatawa siya at itinaas ang dalawang kamay. Bumuntong hininga ako.

"So, anong gagawin mo ngayon?" Tanong niya ng ilang sandaling katahimikan.

I maybe hurting but I know my limitations. I know I shouldn't be like this.

"Maybe go on a vacation. And maybe you should come with me!" Tumawa siya at umiling.

"Marami akong gagawin. But you need a vacation though." Aniya kaya napangiwi ako.

"Ayokong mag-isa." Nag-unat ako at humikab. Ilang araw na akong hindi nakakatulog ng maayos. Ilang araw narin akong kain at panonood lang ang ginagawa. Pero kapag inaaya naman ako ni Lexie o ni Drey na lumabas at mag bar ay ayoko naman. Gusto ko lang talagang magkulong.

"Gutom ka?" Tanong ni Drey ng tumayo ako at humakbang papunta sa kusina. Umiling ako. Dumiretso ako sa aking ref at kinuha ang karton ng gatas at agad na itinungga iyon.

"Let's go on a vacation then!" Agad akong napalingon sa kanyang nasa likod ko lang pala.

"Really?" Tanong ko sa kanya kaya agad siyang tumango. Tinaasan ko siya ng kilay dahil hindi ko alam kung ano ang nakapagpaiba ng desisyon niya.

"Diba ay sabi mo magiging busy ka ngayon?" Tanong ko sa kanya kaya nagkibit lang siya ng balikat.

"I just really want to spend more time with you, you know." Aniya kaya napangiti ako. I know he's trying too. He's trying to completely move on. But for me, I can't let him handle me with broken pieces.

Ayokong may masaktan ako at ayokong may magdusa dahil sa gusto ko lang sumaya. I don't like that and I don't want that.

Nakay Calvin parin ang puso ko. Na alam kong kahit na ibinalik niya ang puso ko ay hinding hindi na ito magiging gaya ng dati.

His MistressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon