May naririnig akong kaluskos kung saan. Dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata. Nasilaw ang mga mata ko ng nakatapat ako sa ilaw. Dali akong pumikit at inangat ang kamay ko. Nakaramdam ako ng kirot sa buong katawan ko.
Muli akong dumilat at nakita na nasa isang puting kwarto ako ng Hospital. Naalarma ako and it sink in.
Naaksidente ako.
"Si mommy!" Agad akong tumayo pero nakaramdam ako ng sakit sa ulo at buong katawan ko. May swero ako.
"Ma'am! Hindi pa po kayo pwedeng tumayo." Nilingon ko ang nurse na may hawak na gamot at itinabi sa mesa bago ako alalayan.
"No! My mom! W-where is she?!" Bumuhos ang mga luha ko ng maalala ang mukha niya kanina bago ako nawalan ng malay.
"Nasa ICU po siya ma'am. Please, calm down. Kailangan niyong magpahinga." Hinawi ko ang kamay niya at pinilit tanggalin ang swero ko. Napapikit ako ng maramdaman ang hapdi mula doon pero nahaluan ng sakit ng katawan at ulo ko. Hindi ko iyon inalintana at agad na humakbang.
"Ma'am!" Hinabol ako ng nurse pero tumakbo ako kahit na paika ika ako ay pinilit ko. Malapit lang ang ICU kaya nakarating ako agad. Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko si mommy.
Maraming aparatong nakakonekta sa kanya. May tubo sa bibig. May bandage sa ulo at sa paa at kamay. Napaluhod ako ng makita ko ang magandang mukha niya ay napalitan ng sugat at pasa. Lumapit ang nurse sa akin at hinawakan ang kamay ko kaya nilingon ko siya.
"Please! I'm begging you. I won't go anywhere." Dahan dahan niya akong binitawan.
"Mom! Mom!" Humagolgol ako sa tabi niya at halos hindi ko alam kung saan ko siya hahawakan ng hindi ko siya masasaktan.
"Mom! Can you here me, mommy." Hinaplos ko ang kamay niya at hinawakan iyon. Hinalikan ko at pumikit ako.
"Mom! I'm so sorry.. I'm sorry for shouting at you." Hikbi ko. Tanging monitor ng heartbeat niya ang naririnig ko.
"Mommy..." Naramdaman ko ang kamay niya. Pinisil niya ang kamay ko at dahan dahan siyang dumilat.
"Mommy!" Humagolgol ako. "Doc--" pinigilan niya akong bitawan siya para tawagin ang doctor kaya napabaling ako sa kanya.
"Mom, tatawagin ko lang po ang doctor." Umiling siya at tinanggal niya ang oxygen sa bibig niya. Hindi niya maidilat ang kanyang mga mata ng maayos.
"H-hindi narin ako magta.. tagal... anak." Namamaos at nahihirapan na sabi niya. Umiling ako ng umiling.
"No! Mom, don't say that! Lalaban ka! Kaya mo iyan mommy!" Pumiyok ako at halos hindi ko na alam ang gagawin ko. Dahan dahan niyang inangat ang kanyang kamay para haplusin ang mukha ko.
"Such a cry baby." Mas lalo akong umiyak at lumuhod.
"Mommy, please don't leave me. Don't leave us mom. I-i can't live without you mom, please!" Nakangiti lang siyang pinagmasdan ako at hinaplos ang pisngi ko.
"Mummy, I'm sorry. F-forgive me mom."
"Ssssh." Sabi niya bago niya ulit pinahid ang mga luha ko.
"Y-you didn't do anything.. anak. I-i'm sorry for forcing you. I... should be the o-one to apologize. I'm sorry I won't take long." Hindi ko na halos maintindihan ang mga sinasabi niya dahil sa hagolgol ko.
"But please.. Do me a f-favor baby?" Humihikbing tumango ako. Ngumiti lang siya. "Be with daddy and Ann. D-don't e-ever leave them... I-ikaw na ang bahala sa kanila okay?" Tumango ako.
"Opo. Pero hindi ko po kaya mag-isa mommy! I-i can't do it alone." Iyak ko. Umiling siya at ngumiti bago siya huminga ng malalim.
"I trust you, anak. You can always do anything. You are my hero.. You are me..... and more." Umiiyak parin ako at umiling.
"Mommy, I'm not like you. I'm scared to be alone. Mom, please! I can't, mommy."
"I love you." Ang huling sinabi niya sa akin bago bumagsak ang kamay niya. Natulala ako.
Kasabay ng pagbagsak ng kamay niya at ang linyang nagpakita sa monitor ay ang pagbagsak ng mundo ko. Napaupo ako sa sahig at napatulala habang papasok ang mga nurse at doctor para tignan ang mommy.
Right there and then. My life has changed. I will never be the same. Dependent Ariella again.
I will never be the person I used to know.
Because that person will always remind me of that incident and how I regret it.
"I promise you, mommy. I will do anything just to make them happy." Bulong ko sa puntod ng mommy ko.
I will be the girl you want me to be.
But then I thought that all this time fate's want to mess my life.
Hindi ko aakalain na darating ang lalaking mamahalin ko ng buo. Pero hindi iyon magiging buo dahil may nagmamay ari na sa kanya.
Hindi ko aakalain na iibigin ko parin siya kahit na alam kong hindi na iyon tama.
I tries to pushed him away. Try so hard to keep my self away from him.
Keep myself away being his mistress ...
Ngayon ko lang napagtanto na ang pagmamahal ay mahirap pigilan. Ang pagmamahal ay nagbibigay sayo ng mga pagiisip na kahit alam mong mali ay magiging tama.
But then again. I will sacrifice my love for the only man I ever loved. For my family, my blood.
Because..
Blood is thicker than water.
A/N
I've changed the title from For all of my life to His Mistress. Mas maganda po kasi dahil ganon naman talaga ang tema nito. Hope you like it thank to all and God bless you.Xoxo~ivy
BINABASA MO ANG
His Mistress
RomanceAno ba ang mas masakit? Ang palayain siya kahit mahal mo pa o Ang mahalin siya habang nasa piling ng iba? Ariella, thought blood is always thicker than water. But what if the blood she's protecting is the cause of her bleeding? And the water she's...