Chapter 31

7.7K 177 5
                                        

No one

When will I realize the truth? I want to understand.. because....

I want to stop this unstoppable feelings.

"How are you feeling?" Tanong ni Drey ng binisita niya ako sa aking suite.

Mula ng dumating kami galing sa safari tour ay agad akong nagkulong dito.

"I'm okay." Tipid kong ngiti at muling itinuon ang mga mata sa papalubog na araw.

Rinig ko ang yapak ng mga paa niya papalapit sa lounge kung saan ako nakaupo. Nang makarating siya sa tabi ko ay agad siyang umupo.

"Minsan kailangan mo rin masanay na nakikita silang naglalambingan, Ella." Aniya. Hindi ako nagsalita at hinayaan lang siya. I know he only wants to help me. Bumuntong hininga siya.

"I know it's hard but you need to endure it." Bumuga ako ng hininga at pekeng tumawa bago siya nilingon.

"How Drey?" Tanong ko. Hindi siya sumagot. Pagod akong huminga ng malalim at napailing ako ng ilang beses.

"I want to know how? I want to stop this. I.... I want to.. I want to just forget all about him. I really want to!" Tumingala ako.

"Pagod na 'ko, Drey. Pagod na pagod na ako. My mind is tired. My body and my soul. Even my eyes are tired. Ni wala na akong maiiyak." Kinagat ko ang ibabang labi ko.

"But my heart, Drey." Nilingon ko ulit siya. I saw his eyes full of sympathy. Full of pity.

"I can't stop it, Drey. I can't teach my heart to stop loving him. Ni wala itong pagod na mahalin siya." Sinapo ko ang buong mukha ko.

Hindi ko na muling narinig si Drey na nagsalita. Hindi ko na narinig kung paano niya ako matutulungan. Kung papaano ko ito mapipigilan. Dahil alam kong walang makakatulong sa akin kundi ang sarili ko lang.

I again asked myself.

Can I really unlove that man?

Lumabas ako sa aking suite ng ilang sandaling nagpaalam si Drey na may aasikasuhin na tawag.

Naglakad lakad ako sa may dalampasigan. Tuluyan naring lumubog ang araw kaya ang buwan naman ang nagpakita at kahit na hindi ito gaanong kita ngayon ay maliwanag parin dahil sa mga taong nagpaparty at sa mga bonfires at kung ano ano pa.

Kung tutuusin ay napakaganda dito na parang walang problema ang mga tao. Maghapon at magdamag ay puro kasiyahan lang ang nakikita ko dito. Siguro ay masaya ang magtrabaho dito.

Umupo ako sa isang lounge 'di kalayuan sa isang grupo ng mga kabataang nagkakantahan at nag-iinuman.

Huminga ako ng malalim bago inayos ang blazer ko na nahulog sa balikat ko. Nang lumingon ulit ako sa kaliwang bahagi ng dalampasigan ay nakita ko si Calvin na naglalakad doon at may hawak na maliit na kahoy.

Kahit likod lang niya ang nakikita ko ay alam na alam kong siya iyon dahil sa lakas ng pagtibok ng puso ko tuwing alam kong nasa malapit lang siya.

Ganoon palagi ang nararamdaman ko tuwing nandyan siya. Hindi ko iyon mapigilan. Linunok ko ang mabigat na nakabara sa lalamunan ko bago huminga ng malalim.

Hindi ko narin mapigilan ang sarili ko kaya agad akong tumayo para kausapin at puntahan siya.

Humakbang ako papunta sa kanya ng biglang dumating si Ann at niyakap niya si Calvin mula sa kanyang likod. Tumawa si Ann ng makita ang gulat na reaksyon ni Calvin bago bumitaw sa kanyang yakap at hinatak si Calvin sa braso na parang may gustong puntahan. Napahinto ako at napahawak sa aking bibig.

His MistressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon