Stay
"Sir, Mr. Chua's on his way." Anang aking sekretarya. Dinungaw ko ang aking wristwatch.
"Cancel the meeting and cancel the proposal." Sabi ko bago ako tumayo at naglakad palabas ng restaurant.
"B-but sir--"
"Miss Wesley! Hindi ko kailangan ng intsik na tao sa kompanya ko kung hindi niya alam ang ibig sabihin ng halaga ng panahon ko. He's late for ten minutes!" Natahimik siya at hindi na muling nagsalita pa kaya agad akong naglakad patungo sa parking lot at sumakay sa sasakyan ko.
Pinaandar ko narin iyon at pumunta na ako sa susunod kong meeting. Napalingon ako sa aking cellphone at bumuntong hininga ng makitang hanggang ngayon ay wala paring reply si Ariel sa text ko. Kaninang umaga ay ihinatid ko ulit siya sa kanyang opisina. Sinabi niyang huwag na akong mag-abala pero hindi ko iyon maiwasan.
I just want to show her how much I prioritize her more than anyone or anything.
Pagdating ko doon sa restaurant ay nakaupo na si Mr. Aguilar na mukhang kakarating lang din.
Dumiretso ako doon at binati siya.
"Mr. Veruz!" Tumayo ang matandang Aguilar at nakipag kamayan sa akin.
"Mr. Aguilar, how are you?" Umupo kami kasabay ng paglapit ng waiter sa amin.
"I'm good, how about you? I've heard about the news. Kinasal ka na ba?" Ibinigay namin ang aming order bago ulit nag-usap.
"No, I'm not yet married. Soon though." Tumawa ang matanda at ganoon din ako.
"You're lucky young man marrying Mr. Guillermo's daughter." Ngiti ng matanda.
"I guess I am." Ngiti kong balik sa kanya. Tumikhim siya at muling tinignan ako.
"So, what's this meeting about?" Tanong niya. Huminga ako ng malalim bago siya sinagot.
"Mr. Aguilar, I wanna pay Miss Guillermo's loan." Napaawang ang bibig ng matanda pero agad din iyong itinikom.
"Why?" Kumunot ang noo niya.
"I wanna help her." Sagot ko kasabay ang pagdating ng order naming pagkain.
"Well, I know you wanna help her. But.." Nilingon niya ako at tinaasan ng kilay. Hindi ko mapigilan ang mapangisi.
"Is she--"
"Don't let her know though. I'll give the full interest, Mr. Aguilar. But don't let her know anything about our agreement." Pagputol ko sa kanyang sasabihin. Tumango ang matanda na parang naiintindihan na niya ang ibig kong sabihin.
"I... still don't know why." Ngumiti ako sa pagtataka ng matanda.
"Because... I promised her I'm going to protect her." Marahang tumango ang matanda at ngumiti. Hindi narin siya nagsalita at sinimulan nang kumain.
Ngumiti ako at sumubo ng aking pagkain. Bumuntong hininga ako ng tumunog ang aking cellphone.
"Sir, your meeting will start in fifteen." Pambungad ng aking sekretarya ng sagutin ko ang tawag niya. Nilingon ako ni Mr. Aguilar.
"Tell them to wait." Sagot ko.
"But it's important client, sir."
"I'm in a important meeting too. Tell them to wait." Ulit ko at ibinaba na ang aking cellphone.
Napalingon ako sa matanda ng mahinang napatawa siya. "I now know why Miss Guillermo doesn't want my son." Kumunot ang noo ko sa matanda. Pinunasan niya ang kanyang labi gamit ang napkin bago ito uminom ng tubig.
BINABASA MO ANG
His Mistress
RomanceAno ba ang mas masakit? Ang palayain siya kahit mahal mo pa o Ang mahalin siya habang nasa piling ng iba? Ariella, thought blood is always thicker than water. But what if the blood she's protecting is the cause of her bleeding? And the water she's...