I blink twice because I can't believe what I am seeing just now. I can't believe she's here. I can't believe she's in front of me!There she was. Staring at me with her voice and her sweet sweet smile. How has it been? I don't fucking care though. As long she's here and she's back!
Nang makita ko siya ay gusto ko na agad siyang yakapin at tanungin kung saan ba siya nagpunta at kung anong nangyari.
Pero may nagbago.
The way she speaks.
The way she look at me.
The way she smile.
And the way she says my name.
It's not the Ariella I've known.
"Mr. Veruz, I can see how you look at my girlfriend." Napakunot ako sa sinabi ni Mr. Llanes.
"Excuse me?" Hindi ko malaman kung anong ibig niyang sabihin pero may hula ako na ipinagdasal kong hindi totoo.
"Ariella is my girlfriend." Naestatwa ako sa sinabi niya kahit na alam ko na pero ng marinig ko mula sa labi niya iyon ay parang bumagsak ang mundo ko.
"Oh! Well- I-uh... She's... She's a great person. Take care of her, Mr. Llanes." Tumango ako bago siya agad na tinalikuran. Dumiretso ako sa elevator at halos masuntok ko ang dingding ng magsara iyon.
Gusto kong sumigaw at magwala pero hindi ko magawa. Ang kamay kong nanginginig dahil sa hindi ko alam kung galit o sakit. Sumandal ako sa pader at huminga ng malalim. Mabuti nalang at mag-isa lang akong sumakay ng elevator kung hindi ay baka isipin nilang nasisiraan na ako.
Nang mahimasmasan ako ay agad narin akong lumabas doon. Huminga ako ng malalim bago muling humakbang patungo ng exit.
Matagal na panahon ko siyang hindi nakita. Ni wala akong narinig na kung ano tungkol sa kanya. At ngayon ay nagbalik siya at malalaman kong may boyfriend na siya?
What the fuck! Paulit ulit akong nagmura sa sarili ko habang naglalakad ako pero kumunot ang noo ko ng makita ko siyang naglalakad sa gilid ng kalsada at mukhang wala siyang sasakyan.
Inilibot ko ang aking paningin sa paligid at hinanap si Llanes pero hindi ko siya nakita sa lugar.
Nag-alinlangan ako kung lalapitan ko ba siya o hindi. Mukha siyang galit sa kung sino. Siguro ay nag-away sila ni Llanes.
I really hate that guy. Gustuhin ko mang huwag nalang ituloy itong project na ito ay may pumipigil sa akin. Bumuntong hininga ako at dahan dahan na lumapit kay Ariel.
"Ariella." Hinawakan ko ang braso niya. Maging ako ay nagulat ng maramdaman ko ang balat niya sa akin. Kahit na nakahawak lang ako sa kanya ay parang naibsan ang mga panahon na hindi ko siya nakasama.
Nagulat pa ako ng palisin niya ang kamay kong nakahawak sa kanya. Of course she would do that. She thinks I'm a prick!
Tumikhim ako at pinilit na maging normal ang boses ko para hindi niya isipin na sinundan ko siya. Luminga ako sa paligid bago ko siya nilingong muli.
BINABASA MO ANG
His Mistress
RomanceAno ba ang mas masakit? Ang palayain siya kahit mahal mo pa o Ang mahalin siya habang nasa piling ng iba? Ariella, thought blood is always thicker than water. But what if the blood she's protecting is the cause of her bleeding? And the water she's...