Chapter 40

7.9K 156 4
                                    

The only exception

Tinignan ko si Calvin na ngayon ay tulog sa tabi ko. Hindi ko na namalayan na pumunta pala siya dito. Marahan ko siyang hinalikan sa kanyang noo bago ako bumangon.

Tinetext ko siya pero hindi na siya nakapagreply dahil siguro busy sa trabaho.

Dahan dahan akong bumaba ng kama at palabas sa kwarto.

Hindi ko aakalain na mapupuntahan pa niya ako dito. Kakagaling lang niya ng Paris last week. At ng makauwi siya ay hindi pa kami masyadong nagkita dahil sa mga ginagawa niya sa trabaho.

Dumiretso ako sa aking ref at kumuha ng gatas. Binuksan ko iyon at itinungga ko agad.

Nang matapos akong uminom ay ibinaba ko ang bote ng gatas at ipinatong sa mesa.

Agad naman din akong nagluto ng agahan. Alam kong busy siya at hindi siya nakaka-kain ng maayos doon.

Habang nagpiprito ako ng itlog ay may biglang yumakap sa akin mula sa likod. Napangiti ako.

"Morning my love." Malambing niyang saad. Humagikgik ako.

"Good morning. Umupo kana at kakain na tayo." Pinatay ko ang stove ng maluto ko na ang itlog bago ko isinalin sa plato.

Hindi siya gumalaw at nakapatong lang sa aking balikat ang kanyang baba.

"Hmm.. I wanna eat you though." Bulong niya bago niya halikan ang leeg ko. Agad na nagsitaasan ang mga balahibo ko.

"Calvin." Pigil ko sa kanya. Nagulat nalang ako ng hawakan niya ang magkabilang dibdib ko. Napadaing ako.

Maya maya ay ihinarap niya ako sa kanya at agad na hinalikan bago niya ako binuhat habang hindi humihiwalay sa kanyang halik.

Pumasok siya sa kwarto at agad na ibinaba ako sa kama. And again. We made love.

Kaya habang tumatagal ay mas lalo ko siyang minamahal. Mas lalo kong minamahal kung paano niya ako alagaan. Kung paano niya ipakita sa akin na hindi ako nag-iisa.

He would always do whatever I want. He would always give me whatever I like.

"Kailangan kong umuwi ngayon. Magpapa-check up si Ann." Aniya. Habang kumakain kami. Nilingon ko siya.

"Bakit?" Agad na tanong ko. Sumubo muna siya bago ako sinagot.

"I don't know. Sabi naman niya ay samahan ko daw." Kibit balikat niya. Tumango ako at muli akong sumubo.

"Hindi na pala kami sa mansion tumitira. Gusto niya sa bahay ko." Kumunot ang noo ko. Hindi pa 'ko nakakapunta sa flat niya.

Pero ang kapatid ko ay makakapunta na doon? Titira pa?

"Bakit?" Magaspang na tanong ko. Hindi ko mapigilan ang sarili kong mainis.

Nilingon niya ako at tinitigan ng mabuti. Pero umiwas ako ng tingin at itinuon ko nalang ang mga mata ko sa aking pagkain.

"But if you don't want that. Dito nalang kami sa unit niya." Agad akong umiling. Kahit naman ayokong magkasama sila ay wala naman akong magagawa dahil hindi ko naman siya pag-aari.

"No. It's okay." Sagot ko. Ayokong makita ang kapatid ko dahil hindi ko siya kayang harapin.

Ayokong makita siya dahil mabigat sa dibdib ko kung paano ko pipigilan ang sarili kong konsensya.

"You know that I love you, Ariel." Hinaplos niya ang kamay ko. Umangat ang tingin ko sa kanya. Nakatitig lang siya sa akin.

"I know." Sagot ko bago tipid na ngumiti. Umiwas ako agad ng tingin at itinuon ang atensyon sa akinh pagkain.

His MistressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon