Faded
Inis na umupo ako sa tabi ni Johnford habang nag-aayos siya ng kanyang mga damit. Humalukipkip ako.
"What's up with your face?" Mahina siyang napatawa. Inirapan ko siya.
"Mauuna ka? Hindi mo man lang ba ako hihintayin?" Tanong ko. Ibinaba niya ang hawak niyang shirt bago umayos ng upo at hinarap ako.
"I have an urgent meeting with the new team. Takot ka bang bumyahe ng mag-isa?" Biro niya kaya siniko ko siya. Tumawa lang siya sa ginawa ko at inakbayan ako.
"Hindi ako takot okay? Boring lang mag-isang bumyahe." Tinanggal ko ang mabigat niyang kamay sa aking balikat at tumayo doon.
"E, 'di sumama kana sa akin ngayon." Agad ko naman siyang nilingon. Tinaasan ko siya ng kilay.
"Paano ako aalis agad? Marami pa akong gagawin dito." Tumayo siya at pinamaywangan ako.
"It's just the Spa house. Nothing much. Nandyan naman si Emily habang wala ka pa, e." Aniya. Ngumuso ako at nag-alinangan na sumagot.
"Baka naman hindi iyan ang iniisip mo. Baka ayaw mo lang bumalik ng Pinas." Muli niyang inayos ang kanyang bagahe. Kumunot ang noo ko sa kanya pero hindi niya nakita iyon dahil abala siya sa pag-aayos ng kanyang gamit. Mahina akong bumuntong hininga.
I want to go. But I don't know why I'm still....
"Fine." Tumalikod na ako at dumiretso ng pinto.
"So. You coming?" Tanong niya ng makarating ako sa tapat ng pinto. Tinaas ko ang kamay ko at ikinaway iyon.
"Yeah. Mag-aayos lang ako!" Sagot ko ng hindi siya nililingon at deretsong binuksan ang pinto.
"We'll be going at 4!" Rinig kong sigaw niya bago ko naisara ang pinto. Dinungaw ko ang relo ko. Mabuti nalang at maaga pa kaya makakapag-ayos pa ako ng damit ko.
Pagkarating ko sa aking unit ay agad kong kinuha ang maleta ko. Napatigil ako. Ito rin ang maletang ginamit ko nang magpunta ako dito. Maayos pa naman kaya ito nalang gagamitin ko dahil wala na akong oras para lumabas at bumili ng bago. Agad kong kinuha ang mga ilang damit ko. Bibili nalang ako doon. Ayokong magdala ng madami.
Napatigil ako ng pag-liligpit ng may makita akong sumisilip na kung ano sa gilid ng maleta. Kumunot ang noo ko. Kinuha ko ang tingin ko ay papel na nakaipit doon. Napakagat ako ng aking ibabang labi ng makitang picture pala iyon.
Dalawang taong malawak ang ngiti at nakatingin sa camera. Magka-akbay at parang wala ng makakapaghiwalay pa sa kanilang dalawa. Napatawa ako.
Pathetic . Walang forever!
Tumayo ako at pumunta sa tapat ng maliit kong basurahan katabi ng aking maliit na desk. Walang pag-aalinlangan kong ibinato ang larawan na iyon doon.
Tinitigan ko ng ilang sandali ang larawan na iyon. Tinitigan ko ang mukha niya. Ang masaya niyang mukha. Pinakiramdaman ko ang sarili ko. Pinakiramdaman ko kung may nararamdaman pa ako sa kanya.
Napahawak ako sa tapat ng aking puso. I can feel my heart beating. Normal and steady. Hindi ko alam kung ganito rin ang mararamdaman ko kapag nakita ko na siya pero masaya ako.
Napahinga ako ng malalim at dahan dahan na ibinaba ang aking kamay.
Ilang sandali pa akong nag-ayos ng mga gamit ko bago ako nagbihis at lumabas ng unit ko. Napairap ako ng pagkarating ko sa unit ni Johnford ay hindi pa siya nakabihis. Humalukipkip ako.
BINABASA MO ANG
His Mistress
RomanceAno ba ang mas masakit? Ang palayain siya kahit mahal mo pa o Ang mahalin siya habang nasa piling ng iba? Ariella, thought blood is always thicker than water. But what if the blood she's protecting is the cause of her bleeding? And the water she's...