Chapter 46

7.8K 160 6
                                        

I will never forget you

"Tagal mo naman!" Ani Lexie ng makarating ako sa kanya. Ikinawit ko sa aking tenga ang takas kong buhok.

"Marami kasing tao sa rest room." Sagot ko bago tinanggap ang mga paper bag. Tumayo siya.

"Bakit ka pala tumawag?" Tanong ko sa kanya. Nilingon niya ako.

"Akala ko nga kung saan kana nagpunta. Tagal mo, e." Sagot naman niya bago humakbang. Sinundan ko naman siya.

Napabuntong hininga ako ng maalala ko na nandito pala sila. Hindi dapat ako matakot at magtago. Kung magkikita man kami ay hindi ko hahayaan na ako ang magmumukhang kawawa.

"Uwi na tayo?" Tanong ni Lexie. Nilingon ko siya at tumango ako.

"Oo. Pagod din ako. Sa susunod nalang ulit tayo labas." Sagot ko. Hindi na kami nagtagal pa at umalis narin sa lugar na iyon.

Inihatid ako ni Lexie sa unit ko bago siya umuwi. Humiga ako sa aking kama pagkatapos kong maligo.

Napatitig ako sa kisame at inalala kanina ang nangyari sa mall. Hindi ko alam kung bakit ako nataranta kanina.

Bakit ganoon nalang ang naramdaman kong galit. Sa hindi ko malamang dahilan.

Bumuntong hininga ako at tumagilid sa kama. Hindi ko rin inakalang mapapaaga ko silang sabay na makita. 

Bakit ganoon? Ang saya saya nilang tignan. Habang ako ay walang pinagbago. Ganoon parin. Hindi ko man lang maabot ang kaligayahan na gusto kong makamit.

Mukha silang masayang pamilya na mahirap buwagin. Napatawa ako at napailing ng maalala ang sinabi niya sa akin na ako lang ang gusto niyang maging asawa at ina ng kanyang mga anak.

How could  I believed him so easy?

Mula sa araw na ito ay ipinapangako ko sa sarili kong hinding hindi ako matatakot na harapin sila. Kahit na sino pa sa kanila. I won't let them hurt me again.

That's a promise.

Hindi ko na alam kung anong oras na ako nakatulog dahil sa kung ano anong naiisip ko. Pero naliwanagan narin ang isip ko na marahil ay ihinanda ako ng tadhana kaya ko sila nakita.


Ngayon, alam ko na kung ano ang gagawin ko kung sakali mang magtatagpo kaming muli.


Paggising ko ay agad akong pinuntahan ni Johnford para ipaalala ang meeting sa kanyang mga partners. Humihikab pa ako ng makarating siya sa aking unit.


"Anong oras na ba? Ba't ngayon ka lang nagising?" Tanong niya. Humikab ako at sumimsim sa kape ko.

"Mahirap matulog kung hindi sanay sa oras. Alam mo namang nag-aadjust pa ako, e." Sagot ko.

"May meeting tayo mamayang nine. Magbihis kana." Nilingon ko ang wall clock at nanliit ang mga mata ko ng makitang six palang ng umaga. Kaya pala antok na antok pa ako.

"Ang aga pa! Kainis ka!" Hindi niya ako pinansin at uminom lang siya sa hawak niyang tasa.

"Para marami kang oras. Alam ko naman kung gaano ka katagal magbihis." Sagot niya bago siya tumayo.


"Bakit pala ako sasama? Pwede bang ikaw nalang?" Tanong ko. Tinitigan niya ako na parang pinapagalitan.

"Isasama kita para alam mo kung anong mga gagawin mo sa tuwing wala ako. Hindi lang itong hotel na ito ang priority ko. Marami pang iba." Sagot niya. Bumuntong hininga ako at muling humigop ng kape ko.

His MistressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon