Chapter 30

8K 160 3
                                    

It's too late


Every time I try to run, he keeps on running after me.

I try to move forward without him. But I feel like he won't let me. He will never let me.

Niyakap ako ni Ann ng makalapit sila ng hindi ko man lang namamalayan.

"I missed you, ate! Mabuti nalang at nasabi ni Lexie na nandito kayo. Kaya agad din kaming bumyahe!" Tuwang saad niya bago humawak sa braso ni Calvin. Sinulyapan ko si Calvin na ngayon ay nakatitig sa akin.

"M-mabuti naman at nakasama din kayo." Sagot ko bago nilingon si Lexie at tinaasan ng kilay. Nagkibit lang siya ng balikat at tinalikuran ako.

"Hali na kayo! Malapit na akong umalis, nagugutom na ako." Aniya. Nilingon ko si Drey na katulad kong nagtataka at mangha sa nangyayari.

Hinila ko nalang siya at sumunod na kay Lexie. Ang mag-asawa naman ang huling sumunod.

Mag-asawa

Totoo ngang para na silang mag-asawa. The newly wed.

Napakagat ako sa ibaba kong labi. I really hate this feeling, really!

Parang gusto kong sumuka sa sakit ng tiyan ko sa nangyayari. Parang nagwawala lahat ng nasa loob ko dahil lang sa nakita ko na naman siya. Huminga ako ng malalim.

"Are you okay?" Tanong ni Drey ng sulyapan ako. Nakaupo na kami ngayon sa dati naming pinagkainan kanina. Pinagitnahan ako nina Lexie at Drey sa round table kaharap namin ang mag-asawa.

"Okay lang." Tipid kong ngiti. Tumango siya at hinaplos ang kamay kong nakapatong sa mesa. Agad akong napatingin kay Calvin na ngayon ay kausap si Lexie at Ann.

"Mabuti naman at pwede ka ng bumyahe." Ani Lexie kay Ann na ngayon ay sumusubo na ng kanyang pagkain. Tumango siya.

"Yup, pwede na. Hindi naman na delikado, e." Aniya bago lumingon sa gawi namin.

"Mabuti naman at nagiging malapit na kayong dalawa. Hindi mo ba alam Drey na ikaw palang ang lalaking nakasama ni ate na magbakasyon? Kayo na ba?" Napaubo ako ng itanong ni Ann iyon. Agad namang hinagod ni Drey ang likod ko.

"Okay lang ako. Thanks Drey." Sabi ko. Iniabot niya ang tubig sa harap namin kaya tinanggap ko iyon.

"I can say that we're more than friends now." Tawa ni Drey. Pati si Lexie ay natawa rin.

"Huwag kang nagsasalita ng ganyan, Drey, kung hindi naman totoo." Ani Lexie. Napailing nalang ako at itinuloy ang pagkain ko.

Kakausapin ko si Drey na uuwi narin para hindi na ganito ka-awkward ang sitwasyon kung kaharap ang mag-asawa.

"Bakit Lexie? Ayaw mo ba si Drey for my ate?" Tanong ni Ann dito. Ngumiwi naman si Lexie.

"Gaya din ng ayoko sa iyo para kay Calvin." Sagot niya dito. Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya kaya mahina ko siyang sinuntok sa kanyang braso. Mabuti nalang at hindi sineryoso ni Ann iyon dahil tumawa lang siya.

"Hindi ko alam na gusto mo palang mapasayo lahat ng lalaki sa mundo, Lexie." Biro ni Ann kay Lexie na alam kong ikinainis ni Lexie. Huminga siya ng malalim at dahan dahan niyang ibinaba ang kanyang kubyertos bago nakangiting tumingin kay Ann. Napailing nalang ako dahil alam ko na naman kung anong mangyayari.

"Sorry girl. Pero mukhang ikaw lang naman ang nagpupumilit sa taong ayaw sa iyo." Ngiti niya kay Ann na ngayon ay nawala lahat ng kahit na anong ngiti sa kanyang labi. Mahina namang natawa si Lexie kaya siniko ko siya.

His MistressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon