Chapter 5

11.2K 248 7
                                    

Sugar

"Dapat nga masaya ka e." Nilingon ko si Lexie na ngayon ay nakatingin lang sa mga papeles.

It's Monday at ngayon ang uwi ng kapatid ko. Gaya nga ng napagplanuhan nilang magpakasal ni Calvin sa New York ay kahapon pa natapos at ngayon ang uwi nila. Nakatitig lang ako sa aking cellphone. Jhawred wants to meet me again but I'm not in the mood to go out with him.

"Wala nga akong ganang lumabas. 'Tsaka bakit naman ako dapat magsaya?" Bumuntong hininga ako at linapag ang cellphone sa tabi ng laptop ko. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kanya kaya hindi ko nalang rineplyan. Kinda harsh I know.

"Dahil nga diba kinasal na  ang sisteret mo, uuwi na siya ngayon kaya dapat masaya kana." Inayos niya ang buhok niya at sinilip ako sa kanyang salamin.

"I'm happy for her."

"I can see through that transparent face, A. Sinasabi ko na nga ba e, may gusto ka sa lalaking naka one night stand mo." Umiling nalang ako at umirap sa kanya. Hindi ko na siya pinansin at pinagpatuloy ko nalang ang aking trabaho. Ayokong makipagtalo sa kanya. Ilang beses kong sinabi sa kanyang wala akong ni katiting na nararamdaman sa Calvin na iyon. At asawa siya ng kapatid ko for Pete's sake!

"By the way, A. Mamayang gabi ay iniimbitahan tayo ni Erley. She organized our college reunion." Pagiiba niya ng topiko.

"Really? I want to go then. Ilang taon na bang hindi ko sila nakikita?" Ngumiti siya at tumango.

"Five years?" Ngumiwi ako. Every year ay nagkakaroon ng reunion pero hindi pa ako kahit kailan nagpunta. Nagulat si Lexie dahil alam niyang hindi ako makakasama pero ngayon gusto kong makapunta.

"Hindi na ako magtataka kung sasama ka. Pero natutuwa ako para sayo, A. At sana bigyan mo din ang sarili mo ng pagkakataong sumaya." natawa ako sa sinabi niya, tumayo ako at nagunat.

"Masaya naman ako,L." Humikab ako at kinurap ang aking mga mata.

"No, you're not. Panlabas lang iyan pechay. Miss ko na ang dating best friend ko." napakagat ako sa ibabang labi ko at tumalikod para tignan ang magandang tanawin ng syudad.

"Well, I miss her too." Sagot ko. Huminga ako ng malalim. I want to break free from that nightmare. But I don't know how. Lalo na kapag nakikita ko si dad.

"Sana bigyan mo ng pagkakataon si Jhawred. Mukha namang matino sayo e." Hindi ko siya nilingon. Hindi pa ako handa.

"I.. don't know." Pag amin ko. Hindi ko na narinig magsalita  si Lex. Masyadong maaga kung tatanggapin ko man kung ano ang binabalak ni Jhawred sa akin. Hindi ako manhid at alam kong may gusto siya sa akin.

"Tatanda kang dalaga niyan." Umirap ako sa kawalan. Bata pa ako at hindi ko pa kailangan ang mga bagay na yan.

"Ariella! Gosh ngayon mo lang kami pinagbigyan!" Niyakap ako ni Erley ng makarating kami sa venue. Marami narin akong nakikitang kakilala ko noong college.

"What did you do to her Alexandro?" Natawa ako sa itinawag ni Erley kay Lexie. Ngumiwi at nanlaki ang mga mata ni Lex. Ayaw na ayaw niyang tinatawag siya sa totoong pangalan niya.

"Really now Erley? Gusto mo bang lumangoy sa fountain?" Turo ni Lexie sa labas ng hotel kung nasaan ang fountain.

"Oh! I am so sorry! It's just that I still want to be your girlfriend kahit na mas sexy ka pa manamit sa akin." Humagikgik ako sa gilid. Oh! How I miss them like this. Matagal ng may gusto si Erley kay Lexie.

"Mandiri ka nga sa pinagsasabi mo!" Nanginginig na sita ni Lexie at lumayo sa kanya.

"Buti nalang hindi ka nagpapahaba ng buhok. Still pogi parin." Umupo si Erley sa harapan namin at lumingon sa tumawag sa kanya.

His MistressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon