Mean
Nagising ako ng marinig ko ang matinis na tunog ng aking alarmclock. Halos mapamura ako sa pagkabigla ko. Kinapa ko iyon sa tabi ng aking lampshade para patigilin. Humikab ako at nagmulat ng mga mata.
Gagalaw na sana ako ng may pumigil sa akin para tumayo. Ang braso niya ay nakapalupot sa aking tiyan at parang batang sumiksik sa akin. Hindi ko makita ang kanyang mukha. Dahan dahan kong tinanggal ang kanyang kamay sa aking tiyan para makatayo. Ng nagawa ko iyon ay pinagmasdan kong mabuti ang kanyang maamong mukha.
Halos ay maginit ang puso ko ng makita ang kanyang tulog na hitsura. Napakaamo at nakakalambot ng puso. Bumuntong hininga ako ng parang batang kinakamot ang kanyang pisngi pero mahimbing parin ang kanyang tulog. Ngumiti ako at sumulyap sa orasan. Kailangan ko ng maligo. Tumayo ako sa kama ng dahan dahan.
Sinulyapan ko siyang muli bago ako dumiretso ng banyo. Parang ngayon lang siya nagpahinga ng maayos. Siguro ay dahil sa kanyang sariling negosyo kaya siya ganyan kapagod. Napakaswerte ng kapatid ko dahil magkakaroon siya ng asawa na responsable.
Nang maisara ko ang pinto ng banyo ay tinitigan kong mabuti ang aking katawan sa malaking salamin ko sa banyo. Bumuntong hininga ako ng maisip ang sitwasyon ko ngayon. Nandito ang fiance ng kapatid ko at katabi ko pang natulog. Paano nalang kapag nalaman niya ito? Bigla ay pumikit akong mabuti at dumiretso na sa tapat ng shower.
Wala pang bente minutos ay natapos na akong maligo. Ayokong maabutan niya ako dito. Paglabas ko ng banyo ay nagulat ako ng wala na siya sa kama ko. Siguro ay umalis narin siya agad ng magising siya. Bigla akong nakaramdam lungkot ng pagiisa.
Kagabi ay nakayakap lang siya sa akin at hinahaplos ang aking buhok hanggang sa nakatulog ako at hanggang sa nawala lahat ng lungkot ng puso ko. Pakiramdam ko ay may isang tao akong nasasandalan ng mga oras na iyon.
Nagbihis na ako agad at nagayos ng sarili. Maaga pa naman kaya ayos lang kahit matagalan ako sa pagaayos. At ng matapos ako ay lumabas narin ako sa aking kwarto at dumiretso na sa kusina para magluto ng agahan ko. Nagulat ako ng pagapak ko sa kusina ay nandon parin pala siya at nagluluto.
"Shit!" Napahawak ako sa aking dibdib. Napatingin siya sa akin at ngumisi ng makita ang gulat kong hitsura.
"Gusto mo ba akong mamatay?!" Iritado kong tanong at padabog na kinuha ang mug sa may counter, dalawa iyon kaya alam kong akin iyong isa. Sumimsim ako at umupo doon. Sumulyap ako sa kanya at nabigla ako ng nakatitig pala siya sa akin.
"You thought, I already left?" He asked me. Tumaas ang kilay ko at tumango.
"And you should. Baka dumaan ang kapatid ko dito at makita kapa. I can't risk that." Kinuha ko ang itlog at loaf bread at nilagay sa aking plato. Narinig ko ang yapak niya palapit sa akin kaya nilingon ko siyang muli. Hawak niya ang isang pinggan dala ang bacon. Ipinatong niya iyon sa harap namin bago siya umupo sa tabi ko.
"Just eat." Napalingon ako sa kanya sa klase ng tono na binigay niya sa akin. Ang kaninang maaliwalas niyang mukha ay dumilim na.
"Bipolar." Bulong ko sa sarili at sumubo ng pagkain.
"I texted your sister. She said she was at you mansion. I can't risk getting caught too, you know." Saad niya habang abala sa pagkain. Napatigil ako. Kung ganoon ay bakit pa siya nakikipaglaro sa akin ng apoy kung ayaw naman pala niya ng gulo?
"So, why don't you just marry her and be with her. Bakit kailangan mo pang makipaglaro sa akin? Ano bang mapapala mo?" Tinuon ko ang atensyon ko sa kanya at kitang kita ko ang pag ngisi niya na parang nasisiyahan sa nangyayaring frustrations ko.
"I'm not done with you yet." Kindat niya bago uminom ng tubig at tumayo. Napalunok ako ng dumako ang mga mata ko sa kanyang abs. He's shirtless as fuck and I can feel my cheeks heat up.
BINABASA MO ANG
His Mistress
Roman d'amourAno ba ang mas masakit? Ang palayain siya kahit mahal mo pa o Ang mahalin siya habang nasa piling ng iba? Ariella, thought blood is always thicker than water. But what if the blood she's protecting is the cause of her bleeding? And the water she's...