Chapter 15

9.9K 228 0
                                    

It must have been love

"Kung papayagan mo lang na pakasalan ang aking anak ay hindi ka na maghihirap pa ng ganito, Miss Guillermo." Natawa ako kay Mr. Aguilar. Nandito kami ngayon sa kanyang opisina. Inimbitahan niya ako para makausap siya sa aking loan.

Hindi naman siya tumanggi dahil alam naman niyang mapagkakatiwalaan niya ako.

"Hindi naman sa ayaw ko, Mr. Aguilar. Pero hindi po ako tumatanggap ng mga proposal na ganyan. I maybe struggling to be on top but I won't use someone's power to go up fast." Sagot ko na ikinangiti ng matanda. Para din siyang si Mr. Rentino. Pero ang matandang ito ay hindi ko hiningian ng tulong kundi isa paring negosyo. I asked money but I will return it with interest.

"Alam mo hija, kaya gustong gusto kita dahil sa katangiang taglay mo. You can be my company's asset as his partner. You can provide him the strength he needs in business. I like your ability." Bahagyang napangiti ako. Isa sa mga gusto kong marinig mula sa aking ama.

Pero kahit anong hirap pa at pagod ang ipakita ko kahit ilang success pa ang magawa ko at marating, hinding hindi niya iyon mapapansin. I clear my throat.

"Thank you, Mr. Aguilar. Pero ang pagaasawa ay isang malaking responsibilidad para sa akin. Hindi lang para sa negosyo kundi para rin sa relayon namin ng magiging asawa ko. At hindi rin po makakatulong sa kanya kung ang magiging asawa ng anak ninyo ay hindi niya mahal at hindi siya mahal, 'di po ba?" Mahinang napatawa siya at tumango.

"You have me there. Pero hindi ibig sabihin noon ay titigil nako ako. I won't stop persuading you." Sabay kaming napatawa ng matanda. How is it so good to be with these kind of people. Iyong nasasabi mo ang mga nararamdaman mo pero tinatanggap parin nila ang kahit na anong sabihin mo.

It makes me feel. Alive. Free.

"Well, good luck to your agency. I hope it will grow and expand beautifully just like you." Binigyan niya ako ng ngiti na matagal ko ng pinapangarap; ngiti ng isang ama na ipinagmamalaki ako. Hindi ko napigilang lumapit at yakapin siya.

"Thank you, Mr. Aguilar." Hinaplos niya ang aking likod.

"You're welcome, hija." Kumalas ako sa yakap ko at namula dahil sa pagkabigla ko. Tumawa siya ng makita ang reaksyon. He pat my head and gave me a genuine smile.

Pagkalabas ko sa kanyang kompanya papunta sa aking sasakyan ay doon ko lang napagtantong para akong isang ulilang bata. At naghahanap ng kalinga ng isang magulang. Hinahanap ko sa kahit na sinong makita ko at makaharap ko. Nakikiusap na sana ay tanggapin ako. Na sana ay bigyan pansin ako.

How pathetic of me.

Dumiretso ako sa agency. Nadatnan ko si Lexie na nakaupo sa sofa sa aking opisina. Tumayo siya ng makita ako.

"Buti naman at dumating kana." Aniya. Dumiretso ako sa aking mesa at ipinatong doon ang aking bag bago umupo sa swivel chair.

"Bakit?" Tanong ko. Inilapag niya ang envelope na naglalaman ng papeles. Binuksan ko iyon at binasa bago ko ituon ang pansin sa kanya.

"Dumaan si Calvin dito para ibigay iyan." Kinudkod ko ang aking noo at hinilot iyon.

"Partnership?" Hindi ako makapaniwala na ipipilit niya ang gusto niya. He's invading my work, my life!

"This is ridiculous! Paano siya magbibigay ng 80% of shares to expand my agency!" Huminga ako ng malalim at ibinagsak ang papeles sa mesa.

"He wants to help you, A." Ani Lexie sa mahinang boses. Alam kong ramdam niya ang galit ko.

"No! He wants to control me! Hindi na ito tulong!" Alam kong alam niya iyon. Alam kong ramdam na iyon ni Lexie.

Hindi na ito tulong pa. At hindi ko siya hahayaang gawin ito. He can't control me. No one can and no one will.

His MistressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon