Heaven
"Kamusta ka na dyan?" Tanong ni Lexie. Nilingon ko si Ann na kausap ang isang pasyenteng katulad niya ay may sakit din sa puso.
Nandito kami ngayon sa garden ng hospital. Kailangan din kasi ni Ann ang sariwang hangin. Medyo malamig narin dahil disyembre na at malapit nang magpasko.
"Okay lang naman. Ann's getting better." Ngumuso si Lexie. Wala siyang trabaho ngayon kaya napagdesisyonan niyang mag facetime kami.
"Kailan kayo uuwi?" Tanong niya bago kumain ng chips.
"Kapag pinayagan na siya ng kanyang doctor." Sagot ko bago ko ulit lingunin sila Ann na ngayon ay nagtatawanan. Napangiti ako.
"Pero pagdating mo naman dito magpapakasal ka sa anak ni Mr. Aguilar." Simangot ni Lexie. Nagkausap narin kasi si dad at si Mr. Aguilar. Hindi ko alam kung paano nangyari iyon. Pero ayoko nalang isipin muna.
"I know." Mahinang sagot ko at bumuntong hininga. Umupo ako sa bench 'di kalayuan sa pwesto nila Ann.
"Kaloka naman kasi, petchay. How can you bear all these?" Tanong ni Lexie. Nagkibit ako ng balikat dahil maski ako ay hindi ko alam.
"Maybe because God made me strong?" Mahinang tawa ko. Ayoko na kasing isipin ang mga bagay na nagpapabigat ng kalooban ko.
"And by the way. Kamusta ang trabaho mo dyan?" Tanong ko sa kanya. Humilig siya sa kanyang sofa bago ulit sumubo ng kanyang chips.
"Okay lang. Madaming papa." Tawa niya kaya pati ako ay napatawa narin at ngumiwi.
"Kadiri ka." Humagalpak parin siya at inirapan ako.
"Hindi porket may Calvin ka e ganyan kana ha!" Natigilan ako. Pati din siya ay natigilan.
"Sorry." Aniya. Kinagat ko ang ibabang labi ko. Naninikip ang dibdib ko marinig lang ang pangalan niya.
"Ariella. Please don't give me that look." Aniya inirapan ko siya.
"What look?" Tanong ko.
"That look." Umiling nalang ako sa sinabi niya at nilingon muli si Ann. May lumapit na nurse sa kanila at nakipag kwentuhan din.
"A, ibuhos mo nga sakin lahat ng sama ng loob mo. Gusto ko din namang makatulong kahit na konti." Aniya. Ngumiti ako. Alam kong gusto niya akong sumaya at maging maayos.
"Lexie, I am fine. No need to worry about me okay?" Bumuntong hininga siya.
"Pagbalik ko dyan siguro ay doon muna ako sa kompanya ni dad magtrabaho. I wanna be close to him." Ngumiwi siya.
"Kahit naman anong gawin mo sa ama mong iyan ay hinding hindi niya makikita iyon. Minsan iniisip ko narin kung talaga bang tunay ka niyang anak." Sinimangutan ko siya kaya tumahimik na.
"Lexie, please." Bumuntong hininga siya.
"Fine! Fine! Ano pa ba magagawa ko? Nagkaroon ako ng kaibigang sobrang siraulo." Umiling nalang ako sa sinabi niya. Napatigil siya sa pagsasalita at nanlaki ang mga mata. Napakunot ang noo ko.
"Lexie, may tao ba?" Tanong ko. Nilingon niya ako bago ang likod ng kanyang cellphone at parang may sinesenyasan.
"Hoy Lexie! Hindi mo naman kailangan na ilihim sakin yang boyfriend mo." Tawa ko pero pinanlisikan niya lang ako ng mata.
"Well, hindi ko siya boylet. Uhm.. Client siya." Umiling nalang ako. Alam ko naman kung kailan siya nagsisinungaling. Kilalang kilala ko na siya.
"Hihintayin ko nalang kung kailan mo siya ipapakilala sakin." Sabi ko pero ngumiwi lang siya kaya natawa ako.
BINABASA MO ANG
His Mistress
Roman d'amourAno ba ang mas masakit? Ang palayain siya kahit mahal mo pa o Ang mahalin siya habang nasa piling ng iba? Ariella, thought blood is always thicker than water. But what if the blood she's protecting is the cause of her bleeding? And the water she's...