Chapter 25

7.5K 202 6
                                    

Mine



"I talked to Mr. Aguilar, Ella. Huwag mo na iyong isipin pa. Kung gusto mo namang kaibiganin si Drey at magkaunawaan ay hahayaan ko naman kayong magpakasal basta ang gusto ko ay mauuna muna ang kapatid mo." Ani dad ng nasa opisina niya ako dahil pinatawag niya ako.

Pakiramdam ko ay lahat ng inipon kong lakas para sa pagtanggap ng pagbabagong buhay ko ay nawala na pero mas matindi naman ang sakit na nararamdaman ko ngayon. Agad na plinano ni dad at ni Calvin ang lahat. Hindi ko pa siya nakikita mula noong gabing iyon. Pakiramdam ko ay talagang sinadya niyang gawin ito para lang saktan ako.

"Alam kong may naging relasyon kayo ni Calvin, Ella. Pero mukhang hanggang doon lang naman iyon dahil si Calvin na mismo ang nakipag-usap sa akin na pakasalan ang kapatid mo. Do you still like Calvin, Ella?" Bigla ay tanong ni dad kaya agad akong umiling.

"No, dad. Hindi po. Hindi naman po naging kami. Close friends lang kami ni Calvin." Tumango agad siya at humilig sa kanyang swivel chair. Pinagmasdan niya ako at agad na tumayo.

"Mabuti naman. Ayokong masaktan ang kapatid mo. She's still healing at alam mo iyon. Titira sila dito sa mansion kapag kinasal na sila. And it's up to you if you want to stay here too or not." Aniya.

"Aalis nalang ako dad. May mag-aalaga narin naman kay Ann." Sagot ko.

"If that's what you want." Aniya. May kinuha siyang papel sa kanyang mesa at inilahad sa aking harapan.

"By the way. That's your contract. You will work for Calvin starting on monday." Kumunot ang noo ko. Gusto kong umangal at huwag tanggapin ito pero binigyan ako ni dad ng pinal na reaksyon.

"His assistant will call you. Be good and don't make me regret giving you a chance this time." Tumango ako at hindi na muli pang nagsalita. Kahit kailan ay hinding hindi ako mananalo sa kanya.

Ako at ako parin ang magiging masama sa bandang huli.

Nang matapos akong kausapin ni dad ay agad na niya akong pinalabas sa kanyang opisina. Matagal narin siyang nagtatrabaho lang dito sa bahay para lang mabantayan si Ann ng maayos. Napangiti ako dahil kahit na hindi niya ipakita sa akin ang mga bagay na hinahanap ko sa kanya ay ipinapakita at ipinaparamdam niya iyon kay Ann.

Napalingon ako kay Ann na ngayon ay nasa sala at makikitaan ng kasiyahan habang nagbabasa ng libro. Napangiti ako at lumapit sa kanya.

"Kamusta ang pakiramdam mo?" Tanong ko sa kanya at tumabi sa sofa. Nag-angat siya ng tingin at agad na napangiti ng makita ako.

"Okay lang, ate. I'm so happy." Ngiti niya at muling ibinalik sa kanyang libro ang mga mata.

"Ate, dad said that Calvin finally wants to marry me." Tipid na ngumiti ako. Kahit masaya ako para sa kapatid ko ay masakit parin palang tanggapin na ito na ang katotohanan para sa amin ni Calvin.

"Ate, hindi ibig sabihin na ikakasal na ako ay lalayo ka na naman ha?" Aniya. Napalingon ako sa kanya. Binigyan niya ako ng nalulungkot na mukha kaya napailing at napatawa ako.

"Don't give me that look, Ann." Tumawa siya at lumabi.

"Hindi naman pwedeng manirahan ako dito hanggang pagtanda ko."

"I want you here, ate. Please? Huwag ka munang umalis. Malulungkot ako." Aniya. Tinitigan ko siya ng mabuti. Pakiramdam ko ay ang sama kong kapatid dahil lalayo ako sa kanya para lang malayuan din si Calvin. Bumuntong hininga ako at napailing nalang.

"Fine." Simpleng sagot ko at humilig sa sofa. Pumalakpak siya at muling nagbasa ng kanyang libro.

Pinagmasdan ko lang siya habang masaya siyang nagbabasa. Hindi ko parin maiwasang isipin kung paano na ang buhay ko ngayon. Paano ko haharapin araw araw si Calvin na hindi ipinapakita sa kanya lahat ng sakit na nararamdaman ko.

His MistressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon