Unconditionally
"Ano na ang gagawin mo ngayon?" Tanong sa akin ni Lex ng nakahiga ako sa kama ko habang siya naman ay nakatayo lang at pabalik balik ang lakad. Hinampas ko ang kama ko at umupo.
"I don't know! How can I tell her?! Dammit!" Halos matanggal ang buhok ko ng sabunutan ko ang sarili ko.
"Dapat ay inamin mo na sa kanya ng makausap mo siya. Sabihin mong nagkausap na kayo at--"
"No! Paano ko magagawa iyon? Kita mo ba ang hitsura niya kanina? Ngayon ko lang siya nakitang ganito sa isang lalake. Gusto niya iyong lalaking iyon. She even know his name. God! I'm so stupid!" Napahawak ako sa magkabilang pisngi ko at halos maiyak na ako.
"Wala kang kasalanan dito A. Nagmakaawa siya kagabi na ayaw niyang magpakasal, tapos ngayon gusto na naman niya? She really is a spoiled brat!" Hasik niya, alam kong ayaw niya sa kapatid ko hindi ko lang alam kung bakit ayaw niya doon e hindi naman naging bastos si An sa kanya. Umiling ako.
"Lex, syempre hindi niya kilala ang nirereto sa kanya ni dad. Kasalanan ko ito, naging pabigla bigla ako ng desisyon." Huminga ako ng malalim at napalunok. Damn! Damn! Damn!
"E anong gagawin mo ngayon? Can you please for once be happy? Baka siya na ang hinihintay mong lalaki!" Tili niya. "Calvin Veruz, one of the most eligible bachelor of the country! You are. So. Lucky!" Pagpapatuloy niya na parang kinikilig pa. Napailing nalang ako.
"Nope, kung kanina ay nakapag desisyon na akong magpakasal sa kanya. Ngayon iba na. He never know that that woman last night is me." Tumayo ako at nagsalin ng juice sa coffee table. Huminga ako ng malalim bago uminom.
"Gaga kana talaga! Itatapon mo nalang basta basta yong tao? Nangako ka sa kanya diba?"
"At nangako rin ako sa kapatid ko Lexie." Pagod akong huminga ng malalim. Napahawak ako sa aking batok bago uminom ulit ng juice. Parang nauhaw ako sa kakaisip.
"Hindi niya alam ang tunay kong pagkatao, hindi niya nakita ang buong mukha ko, pati pangalan ko diko binigay sa kanya. Pwedeng Annah Guillermo ang nakalagay doon sa note na iniwan ko at hindi Ariella." Binagsak ni Lexi ang hawak niyang baso sa mesa.
"Really?! Papaano kapag nagtanong ang lalaking iyon sa kapatid mo sa mga nangyari kagabi aber?" Hindi ako nakasagot. Umiling lang ako at marahang inilapag ang baso.
"Lex. I.. i just don't want to hurt my sister." Iling ko bago umupo sa sofa. Lumapit siya sa akin at umupo sa tabi ko.
"Lagi mo naman iyang ginagawa diba? Lahat ginawa mo na para sa kapatid mo. Can't you see? Nasasanay na siyang dumipende sayo kasi hinahayaan mo lang." Malumanay na paliwanag niya. Napatingin ako sa kanya.
"Lexie gusto ko lang bumawi-"
"Yes! Gusto mo lang bumawi. Pero sana Ariella hindi mo pagsisisihan iyang gagawin mo." Tumayo siya at humakbang ng dalawa bago ako hinarap.
"And I don't think you give yourself to Calvin because of the arrangement, but because you want it too. And I personally think that you really like him." Bago siya muling humakbang palabas ng kwarto ko at hindi na ako nilingon.
Napatulala ako sa sinabi niya. Papaanong nangyari iyon? Ni wala sa isip kong gusto ko nga siya. But I hope Lexie was wrong.
"Ate I want to talk to him! Pero sabi ni dad ay nagpunta daw siya ng New York for his own business. See, ate? 26 palang siya pero may sarili na siyang business at hindi na siya dumedepende sa magulang niya. I want to be like that too. He's just like you ate." Maaga akong gumising para magpunta ng office pero maaga ding dumaan si Annah dito sa unit ko para makipagkwentuhan.

BINABASA MO ANG
His Mistress
RomanceAno ba ang mas masakit? Ang palayain siya kahit mahal mo pa o Ang mahalin siya habang nasa piling ng iba? Ariella, thought blood is always thicker than water. But what if the blood she's protecting is the cause of her bleeding? And the water she's...