Chapter 27

7K 171 3
                                    

No





Kinaumagahan ay nagpunta ulit ako at pumasok sa kanyang opisina. Kahit na parang gusto ko ng sumuko at huwag nalang magpunta ay alam kong dapat ko itong gawin.

"Good morning." Ngiti ko sa assistant niyang si Rea ng madatnan ko siyang nakaupo sa kanyang desk.

"Good morning, Miss Ariella." Sagot niya pabalik kaya umiling ako.

"Masyado ka namang pormal. You can call me Ariella. Huwag na ang miss." Ngumiti siya at tumango.

"E, kasi alam ko naman na hindi ka lang isang secretary para kay sir." Nanlaki ang mga mata ko. Tumawa naman siya sa naging reaksyon ko.

"Alam ko ang naging relasyon niyo ni sir." Aniya. Dahan dahan akong tumango. Hindi ko aakalain na may nakakaalam pa pala nito bukod si Lexie.

"H-hindi ko alam na sinasabi pala niya lahat sa iyo dati." Tumango siya at ngumiti. Ang amo ng mukha niya na parang wala siyang nasasabing hindi maganda. Na lahat ng lumalabas sa labi niya ay totoo. Para siyang anghel.

"Opo. Hindi man niya maamin sa akin kung gaano ka kahalaga ay ramdam ko." Tipid akong ngumiti dahil alam kong iba na ngayon.

"Iba na ngayon." Ngiti ko kaya tumango siya na parang alam na ang ibig kong sabihin. Ayokong isipin niya na nasasaktan ako kaya tumawa ako para itago ang nararamdaman ko.

"Sige, pasok na ako. Dumating na ba siya?" Tanong ko pero umiling lang siya.

"Wala pa." Tumango ako.

"Sige, mabuti naman at baka mapagalitan pa 'ko." Tumawa siya sa sinabi ko. Nagpaalam narin akong papasok na at hinayaan naman ako.

Nang makapasok ako ay agad akong umupo sa swivel chair ko. Nilingon ko ang desk niya kung saan halatang hindi pa ito nagalaw sa linis ng pagkakaayos ng gamit niya.

Hindi ko alam kung paano ko siya haharapin ngayon pero dahil ipinangako ko sa sarili kong magiging propesyonal ako ngayon ay iyon ang gagawin ko.

Napalingon agad ako sa pinto ng magbukas iyon. Pumasok si Rea na may dalang papeles.

"Ito pala ang pinarequest ni sir na gawin ninyo. Kung may mga hindi kayo maintindihan dyan. Pwede niyong itanong sa akin. Nasa labas lang ako." Aniya kaya agad akong tumango.

"Ah, okay! Thank you." Ngiti ko kaya tumango siya at agad na lumabas ng opisina.

Bumuntong hininga ako at agad nang sinimulan ang trabaho.

Nagulat pa ako ng biglang tumunog ang cellphone ko sa gitna ng pagtatype ko sa laptop sa harap ko.

Nilingon ko ang bag ko at agad na dinukot ang cellphone kong kanina pa tumutunog. Agad kong sinagot iyon na hindi pa tinitignan ang caller.

"Hello?"

"Ariella!" Halos ilayo ko ang cellphone ko dahil sa lakas ng boses ni Lucky sa kabilang linya.

"Lucky?" Tanong ko.

"My God! I've missed you! Nasaan ka ngayon? Nandito kami ngayon sa Manila." Maligayang saad niya. Napangiti ako. Matagal naring hindi ko sila nakasama. Tumatawag lang sila noong nasa US ako.

"Really?! Let's meet then! Saan kayo ngayon? Sino kasama mo?" Tanong ko. Humalakhak siya at rinig ko ang kalukos at ingay sa kabilang linya.

"I'm with Bon and Mich is coming home too! We're celebrating Christmas here in Manila!" Napangiti ako. Oo nga pala. Malapit na ang pasko pero parang hindi ko iyon maramdaman.

"Okay, text me then! I wanna see you tonight?"

"Yes!" Ilang sandali pa kami nag-usap hanggang sa magpalaam na siyang susunduin na nila si Mich at ang asawa niya.

His MistressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon