Chapter 34

8K 164 5
                                    

With you

Nakapangalumbaba ako sa mesa ng opisina ni Drey habang hinihintay siya.

Naisipan kong dito muna magtrabaho at magpapatulong muna ako sa kanya para maipasok niya ako dito.

Napaayos ako ng upo ng magbukas ang pinto at iniluwa niyon si Drey na mukhang kakagaling lang ng meeting. Ngumiti at kumaway ako sa kanya.

Tumango lang siya. Hindi siya nagulat na nandito ako dahil alam kong alam niyang pupunta ako ngayon.

"Kanina ka pa?" Tanong niya sa akin bago umupo sa kanyang swivel chair. Umiling ako.

"Mga ten minutes palang naman." Sagot ko. Ipinatong ko ang brown envelope sa kanyang harapan.

"My resume." Ngumisi siya ng makita na naghanda ako. Ang akala niya siguro ay dahil kaibigan ko siya'y hindi na kailangan iyon.

Pero hindi ako ganoon. Hindi ko aabusuin ang kung ano man ang maitutulong niya sa akin.

"I can accept any job position. Kahit maging secretary mo ako." Sabi ko habang binabasa niya ang application ko.

"You're too qualified to be my secretary, alam mo ba iyon? Gustong gusto kitang tanggapin dito, kaya lang ay....." Tumaas kilay ko at hinintay ang susunod niyang sasabihin. Bumuntong hininga siya.

"You're still in Calvin's company with two year contract. Magdadalawang buwan ka palang doon." Aniya. Kumunot ang noo ko.

"Alam mo namang umalis na ako doon." Sagot ko agad. Umiling siya.

"You know that's not the legal way to quit a job." Aniya. Bumuntong hininga ako dahil alam kong tama siya.

"Tumawag siya sa akin kanina." Dugtong niya kaya napatingin ako sa kanya.

"Why?"

"Alam niya kung ano ang mga gagawin mo, Ella. Alam niyang pupunta ka dito ngayon. Sinabi niyang pinirmahan mo ang kontrata na hinding hindi ka magku-quit sa trabaho mong iyon. At nakalahad din daw doon na kapag nagfile ka ng resignation letter ng hindi pa nabubuo ang dalawang taon na kontrata ay idedemanda ka ng kompanya." Halos malaglag ang panga ko sa kanyang sinabi.

"What the hell! Sinong kompanya ang gagawa ng ganyan?!" Halos ay mapamura ako ng paulit ulit sa kanyang sinabi. Tumawa siya.

"His company, of course." Kibit balikat niya na parang wala lang sa kanya ang lahat ng ito. Humalukipkip ako sa harap niya.

"O baka naman ayaw mo lang na nandito ako dahil sa ex mo?" Nawala ang ngiti niya at agad na napalitan ng tiim bagang.

"No, of course not!" Ngumisi ako at tumango.

"Fine! But I hope it's all worth my sacrifice." Kindat ko sa kanya. Umiling siya at umirap.

"But I hope you're okay working with him." Pag-aalala niya. Ngumiti ako at tumango.

"I'm okay. He's my brother in law."

"Right! Like he's not an ex." Panunuya niya kaya tumayo ako at lumapit sa kanya para suntukin. Tumawa siya ng makalapit ako.

Tumayo din siya at umilag sa suntok ko kaya halos mapasubsob ako sa sahig. Mabuti nalang at nasalo niya ako.

"Are you okay?" Tawa niya ulit habang nasa baywang ko ang mga kamay niya at nakahawak ako sa kanyang balikat.

Kasabay naman noon ay ang pagbukas ng kanyang pinto at pagpasok ng kanyang sekretarya.

"S-sir? Sorry to disturb you." Pareho kaming napalingon sa kanyang sekretarya at may kasamang isang babaeng blonde ang buhok na mahaba at umaalon.

His MistressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon