Cry
"Bakit mo 'to nagawa sakin, ate!!" Bumagsak siya sa sahig at napaupo doon.
Sumunod naman ako para itayo siya pero tinabig niya ang kamay ko.
"Kapatid mo 'ko. W-why?!" Humagolgol siya. Lumuhod ako sa harapan niya.
"Ann, I'm sorry." Pilit kong nilunok ang mabigat na nakabara sa aking lalamunan. Hindi inisip ang hapdi ng sampal niya sa akin.
"P-pero mahal ko siya." Tinulak niya ako kaya napaupo ako. Ang luha kong kanina ko pa pinipigilan ay tumulo na.
"How could you do this?! Niloko mo 'ko! Kapatid kita pero ikaw pa ang sisira sa'kin!" Lumapit siya sa akin at muli niya akong sinampal at sinabunutan. Hinayaan ko siya. Alam kong galit siya ngayon. Pero gusto kong ipaliwanag sa kanya ang lahat.
Baka sakaling maintindihan niya ako. Nang bumitaw siya sa pagsabunot sa akin ay saka ako nagsalita.
"Alam kong mali ako. Pero... Mahal ko siya." Humagolgol ako. Gusto kong ipaintindi sa kanya pero hindi ko alam kung papaano.
"Pinagkatiwalaan kita, ate! Minahal kita at sobrang nirespeto kita. Pero ito lang ang igaganti mo sa'kin?!" Pareho kaming nakaupo lang at nag-iiyakan.
"Alam ng Diyos kung gaano kita kamahal, Ann. Alam niya kung gaano ko kagustong sumaya ka--
"Pero bakit nagawa mo 'kong saktan! Ba't mo inagaw ang nag-iisang lalaki para sakin!" Tumayo siya kaya ganoon din ang ginawa ko. Lumapit ako sa kanya pero pinanlisikan niya ako.
"Alam mong siya lang ang gusto kong lalake at ako ang naunang nagmahal sa kanya! Mang-aagaw ka! Ahas ka!" Sigaw niya sa akin.
"H-hindi ko siya inagaw sa'yo, Ann. Matagal nang naging kami hindi pa kayo kinakasa--" sinampal niya ako. Ni hindi ko napansin na nakalapit pala siya sa akin.
"Ang kapal ng mukha mong sabihin lahat ng iyan sa akin ngayon. Ang kapal kapal ng mukha mo!" Lumapit ako sa kanya ng humagolgol siya pero itinulak niya ako.
"Huwag kang lumapit sa'kin!" Sigaw niya sa akin pero hindi ako nakinig at lumapit parin ako para yakapin siya. Itinulak niya ako kaya napaatras ako.
"Patawarin mo 'ko. Pero mahal ko siya at mahal niya ako. Sana maintindihan mo naman ako kahit ngayon lang." Saad ko.
"Ang kapal ng mukha mong sabihin iyan sa mukha ko! Intindihin? Ikaw iintindihin ko?"
Alam kong nasaktan ko siya. At alam kong galit lang siya kaya siya ganito ngayon. Pero handa akong maghintay hanggang mapatawad niya ako. Hanggang matanggap niya kami ni Calvin.
"Alam kong malaki ang kasalanan kong ito. Pero sana sa tamang panahon mapapatawad mo rin ako." Nagtiim bagang siya.
"Kung gusto mong patawarin pa kita ay umalis ka. Lumayo ka. Huwag na huwag ka ng magpapakita sakin." Marahas niyang pinunasan ang kanyang mga luha sa pisngi. Umiling ako.
I told Calvin I will stand for the both of us. I will never leave him. I will fight for him.
"I'm sorry, Ann... But I can't." Kita ko ang mabilis na pagtaas baba ng kanyang dibdib. Ngayon ko lang siya tinanggihan ng ganito.
But I can't just let her love the man who doesn't love her.
Siguro kung mahal siya ni Calvin ay hahayaan ko sila dahil alam kong magiging masaya sila.
Pero alam kong ako ang mahal ni Calvin kaya hindi ako basta susuko.
Ipaglalaban ko siya.
"Mahal ko siya at mahal niya ako. I can give anything up for you, Ann. But I can't let him go." Humagolgol siya sa harap ko na parang isang bata. Kahit na gusto kong aluin siya ay alam kong hindi iyon makakatulong sa ngayon.
BINABASA MO ANG
His Mistress
RomanceAno ba ang mas masakit? Ang palayain siya kahit mahal mo pa o Ang mahalin siya habang nasa piling ng iba? Ariella, thought blood is always thicker than water. But what if the blood she's protecting is the cause of her bleeding? And the water she's...