Chapter 47

8.2K 156 3
                                    

Do it again

Nakataas ang kilay ko at nakahalukipkip habang hinihintay si Johnford na magpaliwanag sa akin. Nakaupo siya sa kanyang sofa na parang hindi mapakali.

"Sorry, okay?" Bumuntong hininga siya bago umayos ng upo.

"Gusto ko lang naman na tulungan kang mag-move on." Kinudkod niya ang batok niya bago ako nilingon. Muli kong itinaas ang kilay ko dahil hindi ako kontento sa paliwanag niya. Muli ay bumuntong hininga siya.

"Nung nalaman ko na siya ang isa sa magiging partner ko, nag-alinlangan akong dalhin ka dito dahil alam kong ayaw mo. But I guess you need this. You need to face him. Face them all!" Aniya. Umiling ako.

"I don't need to face them all, Ford. Bakit ko pa haharapin ang nakaraan na? Can we just move on and be happy? What's with you!" Iling kong muli.

"Hindi ko alam kung saan mo nalaman na hindi pa ako nakakapag-move on! But guess what? I did! And why did you change your name? Llanes? Really!" Ngumiwi siya bago ako nilingon.

"Nakamove on ka nga sa nangyari sayo. Pero sa taong nanakit sayo? I don't think so." Magsasalita pa sana ako ng nauna na siyang magsalita.

"And the Llanes is to protect you.. You know. Para isipin niyang may boyfriend kana." Aniya naningkit ang mga mata ko sa sinabi niya.

"At ikaw iyon?" Walang gana kong tanong. Tumango siya.

"Yep. Para hindi niya isiping naghihintay ka parin sa kanya hanggang ngayon. Ayokong magmukha kang kawawa sa harapan niya. You see? I made you a favor here! Itinaya ko na ang pangalan ko." Napapailing nalang ako sa kanya. Hindi ko alam na ganito siya kaprotective sa akin na gagawin niya pati ito.

"What made you think that he's thinking that way? Can't you see that he's happily married now? And I've move on! Don't exaggerate things, Ford. Para kang bakla." Napatayo siya at nanlaki ang mga mata niya sa nasabi ko.

"What the fuck did you just say?! I'm not gay! And for your information young lady! I'm just doing this because you're my cousin and you're important to me! And don't exaggerate things, Ella. Parang kang hindi pa naka move-on." Dirediretso niyang saad habang nakangisi bago siya humakbang papunta sa kwarto niya. Hindi na niya hinintay na makapagsalita ako. Halos mapanganga narin ako sa mga sinabi niya.

"What the hell!" Sigaw ko bago siya lingunin pero and narinig ko nalang ay ang pagtawa niya habang isinasara ang kanyang pinto. He loves teasing me.

Napailing nalang ako bago ibinagsak sa sofa ang katawan ko. Hinilot ko ang aking sentido dahil pakiramdam ko ay sasabog ito ng dahil kay Johnford.

Hindi ko akalain na pag-iisipan pa niyang hindi pa ako nakamove on sa lalaking sumira sa akin? Paano niya masasabi iyon, e, sobrang galit ako sa tao na gusto ko nalang na ipakain siya sa buwaya habang nakaupo ako at kumakain ng popcorn.

I hate the guy.

Bumuntong hininga ako ng maalala ko ang nangyari. Ang lahat ng nangyayari ngayon. Ilang araw ko palang dito pero siya na agad ang nakasalamuha ko. Kung bakit ang bilis bilis naman ng pagkikita namin.

NANG gumabi ay dinaanan ako ni Lexie. Sabi niya ay pupunta daw kami sa bar. Pumayag naman ako dahil namiss ko rin siyang kasama.

Nakakatuwa na kahit dalawang taon lang ako nawala sa Pilipinas ay marami naring ipinagbago. Lalo na ngayon. Marami akong nabalitaan na pagbabago ng bansa. Nakakatuwa dahil mukhang hindi nagkamali ang mga tao sa pagboto ngayon.

His MistressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon