Only hope
Nagising ako ng may malaking bahagi sa puso ko ang kahit papaano ay guminhawa.
Napalingon ako kay Calvin na ngayon ay malalim parin ang tulog na parang walang kahit na sino man ang makakagising sa kanya.
Kinagat ko ang aking ibabang labi. Hindi ko talaga alam kung papaano siya nakapasok dito at kung papaano siya nakakuha ng susi. But then, I don't mind it and I don't regret being with him right now.
He comforted me with no questions. He made me at ease when I felt like nothing is good in my life...
He's like the light who's keeping me going through the dark.
Pumatak ang isang butil ng pinipigilan kong luha.
Why did I ever let a man like him go, anyway?
Agad kong pinunasan ang aking pisngi ng gumalaw siya at niyakap ako ng mahigpit.
Kahit na alam kong hindi ito pwede ay pakiramdam ko ito ang pinakatamang nangyayari sa buhay ko ngayon.
"Sleep." Paos na sabi niya habang nakapikit parin. Napangiti ako dahil akala ko ay tulog na tulog parin siya.
"I can't." Sagot ko at aambang tatayo ng pigilan niya ako at mas lalong niyakap ng mahigpit. Halos hindi ako makahinga dahil napasubsob ako sa kanyang leeg. Inipit niya ang binti ko sa pagitan ng binti niya at mas lalong lumapit. Huminga siya ng malalim.
"Just lay with me and don't mind the world.... just me." Marahan ko siyang itinulak pero mas hinigpitan pa niya ang kanyang yakap. Hindi ko mapigilan ang mapangiti. Mabuti nalang at hindi niya nakikita ang mukha ko.
"Why are you really doing this, Calvin?" Tanong ko at marahang lumayo para makita ko ang kanyang mukha. Halos mapahinga ako ng malalim sa hitsura niya ngayon.
Ang panga niya papunta sa bibig niya, sa ilong niya. Napahinto ako ng makarating ang mga mata ko sa kanyang mata. Napangisi siya kaya halos ay sumabog ako sa kahihiyan.
Tumikhim ako at umiwas ng tingin.
"I'm doing this because I know you love me. You're just too stubborn to admit it." Aniya at pinitik ang ilong ko ng marahan.
"Calvin, we're not kids anymore. You know that this." Tinuro ko ang ere na parang nandoon ang problema.
"Is not just simple relationship anymore. You are a married man." Sagot ko at umupo na sa kama.
"I know." Sagot niya bago hinaplos ang likod ko. Napalingon ako sa kanya. Pumungay ang kanyang mga mata at malungkot na ngumiti.
Hindi ko mapigilang sisihin ang sarili ko dahil naging makasarili ako para lang paligayahin ang pamilya ko ay si Calvin ang nasasaktan ko.
"I know this isn't your ideal love story." Bumuntong hininga siya at pumikit ng mariin. Pinagmasdan ko lang siya dahil alam kong hindi ko na magagawa ito ng madalas.
Hindi ko na siya matititigan ng ganito kalapit at hindi ko na siya makakayakap ng madalas. O baka hindi narin iyon mangyayari dahil alam kong may asawa na siya.
"But I just couldn't unlove you. I just can't get enough of the things we shared.... of you." Hindi ko halos siya matignan dahil nasasaktan ako sa klase ng titig niya sa akin. Parang may tumutusok sa aking puso.
"How you tell me you love me. How you kiss me. How you hug me and how you say my name." Tinakpan niya ang kanyang mukha gamit ang kanyang kamay.
"I'm sorry." Sagot ko at hinaplos ang kanyang buhok.

BINABASA MO ANG
His Mistress
RomanceAno ba ang mas masakit? Ang palayain siya kahit mahal mo pa o Ang mahalin siya habang nasa piling ng iba? Ariella, thought blood is always thicker than water. But what if the blood she's protecting is the cause of her bleeding? And the water she's...