Inside out
Sa isang linggong pananatili ko sa Maui ay kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko.
Napalingon ako kay Johnford. Napakailap niya talaga. Katulad niya si tita Helena.
Ni hindi ko sila makausap ng maayos dahil parang galit sila sa akin.
"You can manage the spa house, kung ayaw mo ng mas mataas na posisyon." Agad akong tumango. Ayoko ring namang makaabala sa kanila at humingi ng mas malaking posisyon. Tama na iyon sa akin.
"It's okay, with me." Ngiti ko. Inilatag niya ang papeles sa harapan namin bago siya umupo sa kanyang swivel chair.
"That's your reminder. On how to manage the spa. You can do it, right?" Tinaasan niya ako ng kilay. Agad naman akong tumayo.
"Yes! Of course I can."
"Okay, you may go." Aniya. Mula noong ihatid niya ako sa unit ko ay hindi na kami nag-usap pa.
Hindi na niya ako kinakausap kahit na gusto kong makausap siya.
"May kailangan ka pa?" Tanong niya ng hindi ako gumalaw mula sa kinauupuan ko.
Kinamot ko ang aking batok.
"I-uhm. I-i'm sorry. Kung may naging kasalanan man ako sa'yo. Ngayon ko lang kayo nakita at nakasama. Alam kong may naging alitan ang magulang natin pero wala akong alam sa kahit na ano." Agad akong tumayo.
"But... In behalf of my father, I'm sorry." Saad ko. Saglit siyang napatigil sa ginawa ko at nasabi ko.
"I just want to be close to you." Inilahad ko ang aking kamay. Tinitigan niya iyon saglit bago bumalik ang mga mata niya sa akin.
"Does it matter to you?" Kumunot ang noo ko sa naging tanong niya sa akin.
"Well, to be honest. I don't want you here. Hindi kita nakita mula pa noong ipinanganak ako. It's not that I don't like you or I hate you because of your father. I just don't feel like being close to you." Napaiwas ako ng tingin.
Kahit na sinabi niya lang ang tunay niyang nararamdaman tungo sa akin ay masakit parin. Napalunok ako.
"I-i... Understand." Mahinang sagot ko bago ako tumalikod at lumabas na ng kanyang opisina.
Siguro ay nabigla siya sa mga pangyayari kaya ganito ang mga reaksyon niya sa mga bagay bagay. Pero hindi ako susuko.
I want to be here. I want to belong with them.
"Hi miss Ariella. I'm Emily, your assistant." Ngiti ng isang babaeng naka uniporme.
"Hi." Ngiti ko pabalik sa kanya. Iginiya niya ako sa aking bagong opisina bago niya ako ipinakilala sa mga tauhan din sa spa.
"Hi ma'am Ariella. Welcome to Maui!" Bati ng higit sa sampong tauhan ng spa. Malugod nila akong tinanggap na parang karangalan nilang nandito ako ngayon.
Napalinga ako sa paligid. Karamihan ay pinoy ang tauhan namin at iilan lang ang hawaiian.
Masasabi kong gumagaan ang pakiramdam ko dito. It's like my sanctuary. My salvation. My own heaven.
Napalingon ako sa bintana ng aking opisina. Yeah, it's paradise. Hindi ko nga maipaliwanag kung gaano kaganda ang buong lugar na ito. Pero sa tuwing nakakakita ako ng ganito kagandang lugar ay bumibilis ang tibok ng puso ko. Pakiramdam ko ay sasabog ito dahil ramdam ko parin kung gaano kalalim ang sugat nito na hindi basta basta magagamot.
BINABASA MO ANG
His Mistress
RomanceAno ba ang mas masakit? Ang palayain siya kahit mahal mo pa o Ang mahalin siya habang nasa piling ng iba? Ariella, thought blood is always thicker than water. But what if the blood she's protecting is the cause of her bleeding? And the water she's...