Chapter 50

9.7K 196 2
                                    


Let it go

Napahilot ako ng aking sentido ng makaupo ako sa aking sofa. Hindi ko alam kung pupunta ba ako sa ball na sinasabi ni Johnford iyon din kasi ang ball kung saan inimbitahan ako ng lola ni Dwayne.

Napalingon ako sa nagbukas na pinto at bumungad sa akin si Ford na mukhang iritado. Dumiretso siya sa kung nasaan ako ng walang imik at ibinagsak ang sarili sa sofa. Bumuntong hininga siya bago nagsalita.

"Hindi ka pa nakabihis?" Tanong niya ng hindi ako nililingon. Sinulyapan ko ang orasan na nakasabit sa dingding.

"Maaga pa naman." Sagot ko. "Ginagawa mo dito at bakit ka mukhang malaki ang problema dyan." Tumayo ako at dumiretso sa maliit na kusina para kumuha ng tubig.

"Nothing. Just tired." Rinig kong sagot niya. Lumabi ako. May hindi siya sinasabi sa akin pero hahayaan ko nalang muna. Nang makakuha ako ng tubig ay bumalik ako sa sala at iniabot sa kanya ang tubig. Tinanggap naman niya iyon.

"Thanks." Aniya. Muli akong umupo sa tabi niya.

"How's the hotel?" Tanong ko sa kanya. Bumuntong hininga siyang muli at hinilot niya ang kanyang sentido. He's really tired.

"Kung pagod ka ay hindi naman masamang magpahinga ka nalang. Huwag na tayong pumunta sa ball na iyan." Tinaasan niya ako ng kilay na parang may nasabi akong masama.

"We need to go there. Nakakahiya. Ngayon na nga lang tayo aattend sa party ng mga Ramirez." Ngumuso ako at nagkibit balikat.

"Fine. Mukha kasing pagod ka." Umiling siya bago tumayo. Ipinatong niya ang baso sa maliit na mesa bago ako nilingon.

"Magbihis kana. Babalik ako mamaya." Aniya bago diretsong lumabas ng pintuan na walang lingon. May hindi siya sinasabi sa akin na problema niya.

Tinawagan ko si Lexie at sinabi niyang naimbitahan din daw siya sa party at magkikita nalang din kami doon. Ayoko man sanang pumunta ay alam kong wala akong magagawa dahil kailangan kong samahan ang aking pinsan.


Ilang oras pa ang lumipas at natapos narin akong magbihis at mag-ayos. Sinundo ako ni Johnford sa akin unit at agad na kaming umalis sa lugar.

Nang nasa sasakyan kami ay biglang tumunog ang kaing cellphone. Unknown number.

"Don't answer that. Hindi mo naman kilala." Ani ni Johnford. Inirapan ko siya at hindi na sinagot ang tumawag. Hindi narin ako nagsalita pa at tahimik akong nakadungaw sa bintana.


"Siguro ay dadalaw si dad next week. Hindi ko lang sigurado kung anong araw." Tumaas ang akong kilay at napalingon sa kanya.

"Bakit daw?" Tanong ko. Minsan ay nakakabigla na bumibisita si tito dahil kapag ganoon ay may problema siyang dapat ayusin o kaya ay may meeting na kailangan ay kasama siya. Pero karamihan ay malaking problema.

"To visit us." Kumunot ang noo ko.

"Masyadong abala si tito para lang bisitahin tayo dito ng wala lang. Ford, just tell me the truth! May problema na ba sa hotel na hindi mo na kayang ayusin?" Ngumiwi siya at agad na umiling na parang sinaktan ko siya sa nasabi ko.

"What? No! I can handle the hotel. Maliit na hotel lang ito na hindi na kailangan ng tulong ni dad. Hindi na ako bata para humingi pa ng tulong niya. You don't trust me?!" Eksaherada niyang tanong. Hindi ko alam kung niloloko ba niya ako sa tanong niya o hindi pero mukhang nainis siya.

"Minsan kasi kapag nagpapakita siya ay may malaking problema na dapat niyang ayusin. O, kaya ay malaking meeting na dapat nandoon siya. Iyon lang kasi ang napansin ko." Kibit balikat ko bago dumungaw muli sa kalsada.


His MistressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon