I knew you were trouble
Bumalik ako sa mesa kung nasaan kumakain sina Calvin at Annah. Sabay silang nagangat ng tingin sa akin ng makalapit ako.
"Ang tagal mo naman, ate." Tanong ni An pero ngumiti lang ako at binigyan ng matalim na tingin ang katabi niya. Pero sinagot lang niya iyon ng nakakairitang ngisi.
"Sumakit lang ang ulo ko." Pagsisinungaling ko at bumaling sa pagkain sa harap ko. Nawalan na tuloy ako ng gana.
"Oh! Do you need medicine ate? Kaya mo pa ba?"
"Yes! Okay lang. Nawala narin naman ang nagpapasakit sa ulo ko e." Diniin ko pa ang salitang nagpapasakit para malaman niyang siya ang dahilan no'n.
"Kumain ka nalang ate. Then umuwi ka para makapag pahinga ka. Huwag ka ng bumalik ng work." Napalingon ako sa kanya at umiling.
"No! It's really okay, An. Hindi naman masyadong masakit kaya ko pa."
"Ano bang work mo? Hindi kita nakikita sa company ng dad mo." Singit ng halimaw sa tabi niya. Hindi ko siya sinagot at nagpatuloy lang ako sa pagkain ko.
"Well, she has an agency Hi and Go Tours. You should visit her sometime." Nilingon ko si An at pinanlakihan ng mata. Ngumiti siya sa akin at alam kong gusto lang niyang maging close kami ng asawa niya pero hindi lang niya alam na ayokong makasama siya at ayokong nakikita siya.
"Really?! I will totally visit her. You should set and organize our honeymoon vacay then." muli ay binigyan ko siya ng blangkong tingin at hindi sinagot ang sinabi niya. Tumikhim si An sa tabi niya at hinaplos ang kamay ko.
"Ate? He's right. Please set our honeymoon for me?" Bumaling ako ng tingin sa kapatid ko at ngumiti sa akin. Nakikita ko ang ngiti ni mama sa mukha ng kapatid ko sa kanya siya nagmana at lahat ng mata, ilong at bibig ay kay mama. Sa akin ay kay papa lahat. Sa kutis lang kami magkapareho.
Bumuntong hininga ako. "Fine!" Pumalakpak si Annah at muling tinuon ang atensyon sa pagkain niya. Sinilip ko ang katabi niya at ngayon ay nakatitig lang sa akin na parang may iniisip siya na parang binabasa niya kung ano ang nasa utak ko. Kinunutan ko siya at tinaasan ng kilay. Biglang binawi niya ang kanyang tingin at itinuon sa kanyang pagkain.
Weirdo.
"Sige na ate. Si Calvin na ang maghahatid sayo. Huwag ka ng makulit." Nasa labas na kami ng resto at pinipilit ako ni An na umuwi at worst ipahatid ako sa asawa niya? Nahihibang na ba siya?
"Kaya ko pa naman, An! Wala akong sakit okay?" Umirap siya at humalukipkip sa harap ko habang ang kasama niya ay nasa likod niya at nangingiting pinagmamasdan kami. Jerk!
"Ang kulit mo ate!" Pumadyak siya sa harap ko.
"Ihahatid na kita, Ariella. Malelate na si Annah, kaya pumayag ka na. Hindi ka ba naaawa sa kapatid mo?" Nakangisi niyang tanong sa likod ng kapatid ko. Nagtagis ang bagang ko. Paano niya ako nagagalit ng ganito? At parang natutuwa pa siya.
"Oo nga ate! May meeting pa ako twenty minutes from now! Sige na Calvin, ihatid mo na si ate. Huwag ka ng makulit ate okay?" Umirap nalang ako at pumasok sa passenger's seat. Wala rin naman akong magagawa dahil baka mapagalitan lang siya kay dad kapag nalate siya.
Nagusap pa sila bago pumasok sa driver's seat si Calvin. Kumaway si An sa amin bago sumakay sa sasakyan niya. Ipapakuha ko nalang ang sasakyan ko mamaya. Isinuot ko ang seat belt at tahimik na lumingon sa bintana.
"You really do all the things she tell you huh? Like a loyal dog." Inis na nilingon ko siya.
"So what?" Hindi siya nagsalita at pinaandar lang ang sasakyan niya. Blangko ang ibinigay niyang ekspresyon na parang galit siya.
BINABASA MO ANG
His Mistress
RomanceAno ba ang mas masakit? Ang palayain siya kahit mahal mo pa o Ang mahalin siya habang nasa piling ng iba? Ariella, thought blood is always thicker than water. But what if the blood she's protecting is the cause of her bleeding? And the water she's...