Chapter 42

7.4K 161 3
                                    

Listen


"They will be happy to see you." Ngiti ni tito Rene ng nasa airport kami ng Maui. Nandito ngayon ang pamilya niya at maging ang kapatid ng daddy ko ay nandito rin.

Tipid akong ngumiti sa kanya. Kinakabahan sa bagong buhay na haharapin ko.

Walang nakakaalam kung nasaan ako. Maging si Lexie ay hindi niya alam. Ayaw kong ipaalam sa kahit na sino dahil gusto ko munang ibaling sa ibang bagay ang isipan ko.

Kahit sandali ay gusto kong takasan ang gulo at sakit na pasan ko.

"I hope they will like me, tito."  Mahinang napatawa ang matanda.

"Of course, they will!!" Tinapik niya ang ulo ko bago siya bumaling sa harapan kung saan may humintong lalaki. Yumuko siya.

"Aloha, sir." Bati niya kay tito. Tumango naman si tito sa kanya.

"I'm happy to see you, Harry. By the way, this is my niece. Ariella." Kumaway ako sa lalaki. Ngumiti siya at nagpakita ang kanyang dalawang dimples.

"Aloha, miss Ariella. How was your flight?" Bati niya.

"It was tiring. But worth it." Hindi pa man ako nakakalabas ng airport at nakakapunta sa mga beach ay alam ko ng maganda dito. Marami akong naririnig tungkol sa lugar na ito at kung gaano kaganda dito.

"Then, we should get going." Nagsimula ng maglakad si tito kaya agad akong sumunod sa kanya. Inalalayan ako ni Harry na makapasok sa loob ng sasakyan kaya nagpasalamat ako.

Ilang minuto lang ang naging byahe namin at nang huminto ang sasakyan ay agad na bumaba si tito kaya sumunod ako sa kanya.

Halos mapanganga ako sa ganda ng lugar na ito. Malaking hotel at punong puno ng coconut tree. Naaamoy ko narin ang simoy ng hangin sa tabing dagat.

"Welcome to Hyatt Maui Resort and Spa." Nilingon ko si tito. Nakangiti siya sa akin.

"Wow." Pinasadahan ko ang paligid. It's breathtakingly beautiful.

"Is this your..." Nilingon ko si tito Rene. May kausap siyang sa palagay ko ay staff ng hotel.

Pagkatapos nilang mag-usap ay lumingon siya sa akin.

"Is this your hotel, tito?" Tanong ko sa kanya. Ngumiti siya at tumango.

"Yes. Hyatt is our family business. Do you want to have a tour?" Umiling ako.

"Bukas nalang po. I want to rest." Sagot ko. Tumango siya bago ako inalalayan. Si Harry nan ay hindi ko na nakita. Siguro ay dinala na ang mga bagahe namin.

"Malaki pala ang hotel niyo, tito. Hindi ko man lang nalaman na kamag-anak ko pala ang may-ari nito." Mahinang napahalakhak ang matanda. Maraming mga empleyadong bumabati sa amin habang papasok kami sa hotel.

"Because your dad hated me so much. Mabuti pa si Sandro ay hindi." Tumango ako. Kahit na gusto ko ding malaman kung ano ang naging alitan nila ay nahiya akong magtanong.

"Nandito po ba silang lahat? Even tito Sandro?" Tanong ko. Pumasok kami sa elevator ng magbukas iyon.

"Wala dito si Sandro, umalis kahapon. He's in Hong Kong right now. Doing business of course. I'll tell him to visit here." Pinindot niya ang floor kung saan kami hihinto. Nilingon niya ako.

"Do you wanna work here?" Tanong niya. Agad ko siyang nilingon.

"Iyon ay kung gusto mo. Pero pupwede ka parin namang magbakasyon muna." Umiling ako agad.

"I want to work here tito." Hindi na ako magdadalawang isip pa. Ayoko ng bumalik ng Pilipinas para lang masaktan muli.

Alam kong ang pagtakas sa problema ay hindi sulosyon. Pero ito lang ang tanging paraan ko ngayon para lang kalimutan ang sakit.

His MistressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon