Chapter 2: Campus

416 23 19
                                    

"Our world is full of mysteries, many questions to fulfill"

dawn_paris

--------------------------

CASSETT POV

Hmmn... akala ba ni Moon siya lang ang favorite ng author. Excuse me ako ang original bwahahaha!

Anyways... sino ba ang lalaking nakatitig samin? ang weird weird nya. Pakiramdam ko mas creepy pa siya kesa kapag nakikita ko ang sarili ko sa salamin.

Inakbayan ako bigla ni Skyler.

"Are you ok? kilala mo ba ang lalaking yun?" tanong niya.

"Hindi" maikli kong sagot.

"Tara na guys, may pasok pa tayo eh" sabi ni Rukia.

"Uy? papasok pa ba tayo? madalang na nga lang tayong magkakasama oh?" angal naman ni Ian (Russ).

Siniko siya agad ni Karis. Sabi na nga ba at aangal ito sa boyfriend.

"Joke lang baby" bawi agad ni bestfriend.

"Later nalang after ng classes natin" sabi ni Ram.

"sige kita kita nalang tayo sa coffee shop" sabi ni Ian.

"O sabay na kami sa inyo ni Eve, Cassett" sabi ni Ram.

"Hindi mo ba dala ang auto mo tol?" singit agad ni Skyler.

"Dala ko naman, pero what I mean eh sabay sabay na tayong bumalik sa campus" sabi ni Ram.

Ano ba kasing problema nitong si Skyler? nitong mga nakaraang araw masyadong nagiinarte... pabebe? pwede ba?! ayoko ng ganun!

'wala naman problema dun diba Sky?" taas kilay ko sa kanya.

'Whatever" bulong nito.

Nakatingin na ang lahat samin. For sure, alam nilang may something... letseng something na yan! ano ba kasi yun?

"Gurl? ok lang ba kayo ni papa Skyler?" bulong ni Rukia na hindi magpapahuli sa chika.

Hindi ko siya nasagot. Dahil hindi ko alam ang sagot.

"Let's go" sabi lang ni Skyler. Nakayuko ito at halatang badtrip.

Napailing lang ako.

"pare? ano bang problema?" tanong sa kanya ni Ram.

"Wala naman" maikling sagot ni Skyler.

"Cassett? dapat siguro kausapin mong mabuti ang boyfriend mo" payo naman ni Karis.

"oo nga magusap kayo" sabay pa sila Justin at Alex.

Nilapitan ko na si Skyler.

"o halika na, at baka mahuli pa tayo sa klase" sabi ko.

Ni hindi man lang ako kinibuan. Sarap hampasin nito oh!

"Bye guys..." paalam ko. "Moon? sabay ka samin?" tanong ko.

Pero, space out ang multong kakambal ko.

"Tss..." bulong ni Skyler na naiinip na sa kahihintay sakin.

"mauna ka na nga lang! kina Ram nalang ako sasabay" sabi ko.

"Fine!" sigaw naman nito.

Shock ako. Pero mas nashock ako nung may lumipad na libro sa mukha niya.

Heto nanaman ang mga hampasan.

Paglingon ko sa mga kasama ko, mabilis naming tinitigan si Rukia.

Moon and the Angel Of DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon