Chapter 4: Heartache

297 21 4
                                    


MOON POV

I know how much sadness and pain she feels right now. Pero alam ko din ayaw nya itong ipahalata sa iba.

She is stronger than before. But it doesn't mean na hindi na niya ko kailangan.

Skyler is such an.... grrr... ah! bias na kung bias but Cassett is my twin sister. I do not really wanna see her crying. Sa mga panahong ito, I feel na wala akong kwenta kasi naman, napagtatanggol ko siya sa mga kababalaghan pero pagdating sa ordinaryong sitwasyon o tao, wala akong magawa.

Tuloy lang ang pagluha niya.

"O tissue Lett" sabay abot ni Russ ng box of tissue. 'Bago kasi ang cover ng kotse ko eh, baka matuluan mo ng sipon" pilit nitong pagpapatawa sa kapatid ko. Kaya lang... wa effect. Pahiya lang ang mokong.

"Do you wanna go home Cassett?" tanong ko.

Umiling siya.

Nagkatinginan kami ni Russ. "oo nga hmmn.. ihahatid ko nalang kayo" sabi alok nito.

"NO!" sigaw ni Cassett.

"sabi ko nga tuloy tayo sa Cafe eh, ito kasing si Moon eh" takot ni Russ.

Napakamot ulo nalang ako.

Pagdating sa cafe. Nauna nang nakarating sila Ram at Eve. Mukhang naikwento na nila ang nangyari kay Cassett.

Pagbaba ng kotse.

.....

.....

AWKWARD! walang gustong kumibo.

"Hi gurl... lika na kain na tayo ng cake, alam mo naman ang cake nila Papa Russ super sarap, makakarating ka sa SKY....err.... heaven I mean" sabi ni Rukia.

Sinapok siya ni Ray.

Nagbulungan pa ang dalawa.

"Sinabi ng walang babanggit sa lalaking yun eh" sabi ni Ray.

Sus? microphone gusto mo? bulong bulong pa, dinig naman.

Iwas tingin lang si Cassett.

"Wala pa yata ang makukulit na sila Alex at Justin?" tanong ko.

"ah oo may gig yata sila later sa Sky Bar..... errr... sa ano, sa..ano tabi tabi pala" bulol naman ni Russ.

"Baby!" sabay kurot ni Karis sa boyfriend.

'Sorry" bulong ni Russ.

Nagorder ng pagkadami daming pastries ni Russ. Yung totoo? balak ba niyang patayin sa diabetes o atake sa puso ang kapatid ko? Oo at heartbroken siya, pero mas matutuluyan sya sa pinaggagagawa ng mga ito.

Tahimik lang kaming kumakain.

"Oo nga pala Karis nabili mo na ba yung book na gusto mong basahin? ano kasing title yun?" tanong ni Rukia.

"Ah, oo.. heto oh?" sabay abot ni Karis nung book. Pero nabitawan niya ito dahil sa kapal.

Nahulog ito sa paanan ni Cassett.

Nung mapatingin ako sa title ng libro. "Little Moon in the SKY"

LIGHTER NGA! sunugin ko ang buong Cafe na ito eh!

Pinulot ni Cassett ang libro. Tumayo ito...

"Ahhhhh!!! walanghiya kang SKYLER KA!!" sigaw niya sabay hagis ng libro kung saan.

Napakapit kami sa isa't isa. Mag e-evolve yata ang kakambal ko.

"HEY That hurt!" sabi nung isang lalaking natamaan ng libro.

Moon and the Angel Of DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon