Chapter 1: Moon

893 38 20
                                    

MOON POV

Talaga naman oh? paborito talaga ako ng writer at name ko agad ang unang title ng kwentong ito?

Kung sabagay, it's my time to shine. Sayang naman ang pangalan kong Moon kung hindi naman magliliwanag ang kagwapuhan ko.

"Hoy Moon? umayos ka nga, ang creepy mo alam mo yun?" titig sakin ng kakambal ko na si Cassett.

"mas creepy kaya ang itsura mo? tingnan mo nga ang buhok mo parang dinaanan nanaman ng hurricane" sabay tawa ko.

Pagharap niya sa salamin, nagulat pa ito.

Hinalungkat ang bag niya para hanapin ang suklay.

Kasi naman itong kapatid kong ito. Lahat ng gamit sa pagpipinta dala niya, pero ang suklay never niyang naging priority. Kakaiba sya sa ibang kababaihan.

"Try mo kayang gamitin ang paint BRUSH mo sa pagsuklan ng buhok mo" tawa ko.

"Ang corny ng joke mo ha?" sabi pa niya.

"Atleast kasi ako, hindi naman nakikita ng karamihan eh ikaw Cmon Cassett college ka na, be a lady naman" sabi ko.

Sumimangot lang si Cassett.

Oo nga pala, I'm just a ghost. Guardian ghost ako ng kakambal ko.

Cassidy Lunette ang true name ng twin sister ko. It means Clever Little Moon. "Cassett" ang tawag naming malalapit sa kanya. Pero madalas, tinatawag siyang "luka" dahil sa may pagkawirdo ito. She can see dead people like me. And other spirits actually.

Mahal na mahal ko yan, kahit mukhang bruha yan. Isa pa higit kanino man ako lang ang nakakaalam ng totoong nararamdaman niya. Dahil literal na iisa lang ang puso namin.

Napatitig nanaman ako sa pendant naming may initial na CK yung sakin short for "Chander Kayne" at sya naman ay C.L.

Super weird at baduy kasi ng name ko kaya mas pinili ko ang naging tawag sakin ng kakambal ko nung una kaming nagkatagpo. "Moon" ako ang laging liwanag niya.

Dati-rati isa lang akong kaluluwang ligaw, isang kaluluwang ni hindi alam ang totoong pangalan at pagkatao. But then it was fate... na mapalapit kay Cassett at duon namin nasagot ang lahat ng katanungan sa buhay namin.

Punong puno ng mystery at kababalaghan ang bawat araw naming magkapatid.

Kung curious kayo... well much better kung babasahin niyo ang "Moon My Guardian Ghost" lol!

Anyway, ipagpatuloy ang nasimulan.

College na ang kakambal ko.

At syempre dahil artist siya. Fine Arts ang kinuha niya.

Magaling na painter ang kapatid ko, maraming mga university ang nagaagawan dyan.

Maswerte sya sa kaibigan at syempre maswerte siya at may kakambal siyang ganito kagwapo.

"Moon?!" sabay palo ng sketchbook nya sa ulo ko. "tumigil ka na nga sa kakangit dyan, kanina ka pa yata hinihintay ni Lacey sa airport" sabi nito.

Biglang nagbulungan tuloy ang mga tao sa paligid.

"luka-luka yata ang baabeng yan" sabi ng isang mukhang lalaking mukhang tigyawat na tinubuan ng mukha, eeew... damn! colloge student ba yun? eh parang nasa kalagitnaan palang siya ng sumpa ng puberty. Dumi ng mukha!

Ang sarap lang sapakin.

Pero biglang may bumatok na sa kanya.

Si Russ ang best friend ni Cassett, kasama ang simple at matalinong niyang girlfriend na si Karis.

Moon and the Angel Of DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon