Chapter 8: Bloody Song

275 21 12
                                    

CASSETT POV

Hayun, grounded tuloy kami ng kanya kanya naming pamilya. Hindi kami tinantanan ng sermon.

I can't blame them, kasi laki ng tiwala nila samin lalo na kung kami-kami lang naman ang magkakasama, pero ngayong napasabak ang tropa sa trouble sa bar... grabe sila kung makareact. Samantalang kapag napapasabak kami sa kung anu-anong kababalaghan, todo support naman sila.

Hindi naman kinailangan manatili sa hospital ang mga kasama ko, maliban kina Alex at Justin na malala ang tama, may mga nabaling buto sa kanila.

Bigla nalang din naglaho sa paningin ko si Azra nung nagkakagulo kami sa hospital.

Kumusta na kaya yun?

Teka nga? bakit ko ba inaalala ang dark angel na yun.

"Cassett?" sabay pitik sa noo ng kakambal ko. "ano bang iniisip mo? halika na at hinihintay na tayo ni Kuya Ice at Sid sa parking lot" sabi nito.

Nagpapahinga ngayon sila Justin at Alex. Kahit papano pinayagan naman kaming dalawin ang mga kaibigan namin, yun nga lang may bantay.

"O siya guys, una na kami" paalam ko sa mga kasama ko.

Pagdating sa parking lot. Nakaabang na si Kuya Ice, samantalang si Sid, nakasalpak ang headset nya sa tenga nya. Nitong mga nakaraang araw, nawiwili siya sa mga songs na pinapatugtog ng Bloodline band, at madalas din, hindi na niya napapansin ang paligid nya kapag nakaheadset na sya.

Tinitigan ko lang siya, naghihintay na buksan niya ang pinto ng kotse.

But then parang ang sama ng tingin nya sakin.

"Sid?" tanong ko.

Nung tinapik siya ni Moon.

"hwag ka ngang istorbong multo ka!" siagw nito.

Nabigla kami at nagkatinginang magpipinsan.

"Ano bang problema mo Sid?" tanong ni Kuya Ice.

"Sila ang problema ko, nakakabadtrip eh" sabay turo samin ng kakambal ko.

"Sid? pwede bang tanggalin mo muna ang heasdset mo?" pakiusap ko.

Pero bigla nyang hinawakan ng mahigpit ang kamay ko. Sa sobrang higpit, may naramdaman akong tumunog mula sa wrist ko. Napasigaw talaga ako sa sakit.

"SID?!" sigaw nila Kuya Ice at Moon.

"Ikaw! sinaktan mo ang kaibigan ko! sinaktan mo si Skyler!" sigaw nito.

"Sid?" iyak ko.

Sinuntok siya ni Moon.

"Cassett?" sila Ray at Rukia.

Nung makita nilang nagwawala si Sid. Tumulong si Ray para pigilan siya.

"Alisin niyo ang headset niya" sigaw mula sa likuran namin.

"Azra?" pabulong kong sabi, inalalayan ako ni Rukia at Moon. naiiyak padin ako sa sakit ng kamay ko.

Pagka-alis ni Kuya Ice sa headset ni Sid.

Sa sobrang lakas ng volume dinig ko ang tugtog.

"Bloody Sunday?" bulong ni Rukia.

"ano?" tanong ni Moon.

"yung tugtog, Bloody Sunday ang title nya" sagot nito.

(Bloody Sunday- Paramore)

"version song yan ng Bloodline" dagdag nito.

HIndi naman ito sobrang rock song, pero...

Ang ingay! ang sakit sa tenga, tinakpan ko ang tenga ko, pero dahil sa sakit ng kamay ko. Naiyak nalang ako.

Moon and the Angel Of DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon