Chapter 30: Victims

226 15 13
                                    

A/N
Thank you so much @bLueLovEr2375 for always supporting my works;)
Enjoy ka lang din da pagsusulat;p

--------------

RAY POV

At dahil kinailangan ng kambal na magtungo sa hospital, nagkasundo nalang kami nalang muna ang magpapatuloy sa pagiimbestiga.

Ano ba talaga ang kinalaman nila sa 2 tribo? At anong mangyayari sa kanila ngayon?

"Balikan natin ang painting" suggest ni Ram.

Nung pasakay na kami sa van, napahinto si Rukia.

"Anong problema?" Tanong ko.

"Ang multo ni papa nanaman..." halos pabulong nyang sabi.

Pero wala naman kaming nakikita.

"Halika na, he's not your dad" alok ni Eve.

"Tama! Mas pogi ang tatay ko dyan noh!" Sigaw ni Rukia.

Pagdating sa campus ng University nila Rukia. Bakit ganun? Ang tahimik... damn! Nakakapangilabot, walang katao-tao.

Pagtungo namin kung saan ang kinaruruonan ng painting. May napansin kaming mga babae na nakatitig dito.

"Sila yung mga..." bulong ni Eve.

"What are they planning to do?" Tanong ni Ram. "Oh god, we have to stop them" taranta nito nung makita ng balak sunugin ng mga babae ang painting.

"Hoy, teka! Hwag nyong gawin yan!" Sigaw ni Rukia.

Napatigil naman ang mga babae, pero umiiyak sila.

" isa kadin sa mga biktima ng painting na ito hindi ba?" Tanong ng isang babae.

"Oo... Bea... pare pareho lang tayo, alam namin ang pinagdadaanan niyo, kaya magtulungan nalang tayo pano natin masosolusyunan ito" pilit nitong pinapahinahon ang mga babae.

"Anong alam nyo! Hindi nanamin kaya ang mga paramdam ng mga mahal namin sa buhay na namayapa na!"  Sabi naman nung isang biktima na si Nancy.

"para kaming mababaliw sa paulit ulit nilang pagpapakita samin! Lalo na kung paano sila namatay" iyak naman ng pinsan niyang si Nicky.

"Naisip namin na baka kapag nasira na ang painting ay matatahimik na kami" iyak naman ni Debbie.

"Listen girls, we are trying our best para matapos na ito, pero hindi nyo pwedeng sunugin ang painting na yan basta basta dahil baka mamya mas lalo lang lumala ang situation" sabi ni Ram.

"Ano bang alam mo? Hindi ka naman biktima" galit na sabi ni Ella. "Alam mo ba ang pakiramdam na makakita ng multo!" Sumabat nito.

"Bat ang taray mo? Kung multo lang ang paguusapan, araw araw nakakakita yang si Ram" to the rescue naman si Eve sa kanya.

"Tao ba yan o multo?" Iyak ni Bea.

Kasi naman, hindi nga namin kasama si Cassett, isa pa tong si Eve na inaway nanaman ang suklay.

"Bastos ka ah?" Pikon ni Eve.

"Iba ang multo sa bruha" sabi pa ni Ella.

"Aba naman... naku" susugurin sana siya ni Eve pero pinigilan siya ni Ram.

"Listen, all of us here ay may third eye, kaya oo sanay kaming makakita ng multo" sabi nito.

"May mga nakalap na kaming mga information kahit papano na makakatulong sa paglutas ng kasong ito, kaya please tulungan niyo nalang kami" sabi ko.

Nagkatinginan muna sila. At sabay sabay tumango.

Nagpakilala muna kami sa isat'-isa. Tapos napatitig sila kay Azra.

Moon and the Angel Of DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon