Chapter 20: As usual

256 20 2
                                    

SAVER POV

I think we are all set para sa performances at plano namin para sa Bloodline.

Infairness sa grupong to, I will give my credit to them. I admit, kakaiba silang lahat, lalo na si Cassett at ang multong si Moon, there are something about them, about there bond... I don't know why, pero ang sarap lang nilang pagmasdan, sa tingin ko kaya interesado din sa kanila si Azra.

Oo nga pala, ang dark angel na yun? ano na bang pinagkakaabalahan nya? Pasulpot sulpot lang eh.

Naging sobrang busy din si Cassett para sa design ng event. Ang totoo parang ang simpleng bagay lang naman ng ginagawa nya pero super excited ang mga kasama niya. I heard that she's really gifted pag-dating sa art kaya... siguro nga may naghihintay na pasabog ang babaeng to.

"hey Saver?" tawag ni Willow. "you think magiging ok lang ang lahat mamya?" tanong niya.

"oo naman" sagot ko.

"Looks like malaki ang tiwala mo sa kanila?" ngiti nito.

Napangiti lang din ako. Siguro nga, I trust them... hindi sila ganun kahirap pagkatiwalaan eh.

"masaya ako, dahil nagtiwala ka ulit sa ibang tao" bulong ni Willow.

Kung sabagay simula ng nagkalabuan kami ng mga dati kong kasamahan, pakiramdam ko si Willow lang ang pwede kong pagkatiwalaan.

"Pare? may problema tayo" tawag ni Ram.

Ano nanaman yun?

Tumakbo kami patungo sa lumang gym .

Nagkakagulo sa loob.

Pagkapasok palang sa loob. Nasalo pa namin si Shawn mula sa pagkakasuntok ng Center ng basketball team. Malaking tao ito kaya kayang kaya niya ang payatot na si Shawn.

"Ok ka lang pare?" tanong ni Ram.

May dugo ito sa ilong at labi.

"what the hell! ano bang problema nyo?!" sigaw ni Cassett. "bat dito kayo nangugulo!"

"feel lang namin maglaro dito" sabi naman nung isa pang member.

"pare, hwag na dito,, hayaan nalang natin si Cassett, sayang naman ang pinaghirapan niya" pakiusap pa ni Shawn sa mga kasama niya. Pero itinulak lang sila nito.

Tigas ng mga ulo ng mga lalaking to! lalakas ng tama.

Susugod na sana ako... pero...

Arrrgg.... BoinK! sapol sa mukha ng bola ang isang lalaki.

Napalingon kaming lahat sa mga kasama ko.

Lahat naman sila umiling.

BOINK! isa nanamang bola ang tumama sa isa.

Sunod sunod ang paglipad ng bola mula sa isang direction.

Natawa ako ng patago at napakamot ulo nalang.

"maligno ka talagang babae ka!" sigaw ng isang lalaking naka semi-kalbo kay Cassett.

"eh di wow! kung maligno ako, ano pang tawag mo sayo... hiyang hiya naman ako eh ikaw nga tong mukhang galing ibang planeta " sagot naman sa kanya ni Cassett.

Kasabay nun ang pagsalpok ulit ng bola dun sa lalaking nanlait kay Cassett.

Nagtakbuhan ang mga ungas.

Natawa nalang kami...

"Ace! Anya! nice work" sigaw ko sa dalawang multong makukulit.

"no problem" tawa nilang dalawa.

Moon and the Angel Of DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon