Chapter 58: Corpses and Curses

198 15 20
                                    

A/N

Pagkatapos ng kantahan balik tayo sa kababalaghan at creepy stories ^-^

-----------------------

RUSS POV

How cool? Matagal tagal nading hindi ako nasasama sa mga action, sayang lang at wala din ang mga girls. Pero kung sabagay ayoko din naman silang mapahamak.

This province is really quiet and peaceful. Kahit na may mga businesses ang family ko dito, hindi ako ganun kadalas mamasyal sa lugar dito sa Pilipinas. And besides before kasi nung luko luko pa ko para sakin ay boring ang mga ganitong lugar. Pero ngayon, iniisip ko na masarap mag-date sa lugar na ito.

"I think we better eat first" sabi ni Saver.

"Alright" agree naman ako, dahil hind naman kami katulad nila Pareng Moon at nila Azra at Trick na no need ng kumain.

Sa isang maliit na restaurant lang kami kumain, hindi naman kami ganun kaselan sa pagkain basta ba malinis ok na kahit saan. 

Nung halos patapos na kaming magtanghalian, akala ko ako lang ang nakapansin sa isang babaeng nakatitig sa amin. Nasa may 25-30 years old siguro ito. 

"You think he can see me?" bulong lang samin ni Moon. 

"Sayo ba nakatingin o samin ni Trick?" tanong ni Azra.

"baka kina Russ at Saver" asar ni Willow.

"no way, baka kay Russ, lakas yata karisma nyan sa mga nakakatanda sa atin" natatawang sabi ni Saver.

Baliw talaga ito? oo alam kong gwapings ako, pero aminado naman ako, sya din naman hindi malayong pagkaguluhan din ng mga girls ng kahit anong edad. Nakd nagiging humble na ko lol!

Nung mag bill out na kami, sinabihan kami nung waitress na maghintay saglit dahil uunahin lang nyang ibigay ang sukli nung babaeng nakatitig sa amin. 

May katandaan na ang waitress. 

Habang naghihintay kami, bigla nalang nagalit yung babeng nakatingin samin kanina sa matandang waitress. Parang mali yata ang sukli o ano man inihagis pa ng babae ang barya sa sahig.

Nilapitan namin ang matanda dahil namumutla ito habang pinupulot ang barya. Napailing kami. Tinulungan ni Willow ang waitress sa pagpupulot ng barya.

Pinahiram muna ni Saver ang panyo nya kay manang dahil napaiyak ito. 

"Ano bang problema Miss o uhmmm misis?" tanong ni Saver. 

"Kulang ng 300 ang sukli nya! at puro barya ba ang balak niyang isukli sakin?" mataray na sabi ng babae. 

"pwede nyo naman pong sabihin ng maayos yun kay manang" kamot ulo ko.

"O heto po ang 500, hwag nyo ng problemahin ang bayad nyo sa order nyo at sukli nyo" sabi ni Saver sabay lapag ng pera sa lamesa nung babae. "Let's go guys" walk out nito.  

Nakakatakot ang titig ng babae, at parang may binubulong bulong ito.

Nung makita naming ayos na si manang waitress. Napagkasunduan na naming ituloy ang byahe kung saan nakilala nila Moon ang batang si Bernard. 

Pagdating sa resort, napag-alaman naming nag file ng leave si Bernard dahil namatayan daw ito. 

"Sino kayang namatay?" tanong ni Moon. Pero nahalata ko sa kanya ang kaba. 

Pagdating sa address kung saan nakatira si Bernard, bakit wala namang mga taong nakikipaglamay? Sarado nga lang ang mga pinto at bintana. Pero naruon si Bernard at may kasama itong babae nakaupo lang sila sa may terrace. 

Moon and the Angel Of DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon