Chapter 49: Flesh

221 18 10
                                    

MOON POV

Hindi talaga pamilyar sakin ang mga lugar sa Pilipinas.

Bukod sa hiwahiwalay na isla napakadami naman kasing mga kakaibang lugar.

Mysterious...

Kahit na kabilang ako sa mga paranormal,  marami padin bagay ang hindi ko alam.

I guess kahit si Azra.

Tulad sa mundo ng mga engkanto.
May hangganan ang mga pwede naming marating.

Nasan na ba kasi sila Eve at  pareng Ram?

Wala naman na pala sila sa Capiz kung saan nakatira sila Eve.

According sa report ng katulong nila Eve kay Azra, dumirteso daw sa Ilo-ilo ang dalawa dahil may aasikasuhing business si Ram.

Mabuti nalang at kayang magpanggap na normal na tao tong si Azra.

Saan naman namin hahagilapin sila Ram dito?

"Sure ka ba na yun lang ang kumpanya ni Ram dito sa Ilo-ilo?" Tanong ko habang kausap ko sila Lacey sa phone.

"Yes, according to Russ business partner ang mga daddies nila sa company na yun" sagot nya.

"According to their staff, hindi naman daw dumaan dun sila Ram" sagot ko.

"Where are they?" Kabadong tanong na ni Lacey.

"Hello? Lacey?" Humihina ang signal.

Naputol ang connection.

Nagkatinginan kami ni Azra.

"Let's just look around" suggest nito.

Napatango ako.

Bumalik kami sa resort kung saan huling nagcheck in sila Ram. Pagmamay-ari kasi ito nila Russ kaya atleast sigurado kaming dito sila nagcheck in.

Habang nakaupo si Azra sa isang bakanteng cottage at kumakain ng ice cream.

Napansin namin ang isang teen-ager na namamasukan bilang tagalinis ng mga cottage, I know he is special dahil nakikita nya ko.

Sumenyas ako na lumapit samin.

Lumingon lingon muna ito sa paligid. Wala naman ng tao dahil halos nasa loob na ng mga villa o hotel ang mga guest.

7:00 na ng gabi at hindi maganda ang panahon kaya siguro naisipan nalang ng mga guest na magpahinga indoor.

Humarap nalang ito kay Azra. Mas ok na din yun para hindi siya magmukhang tanga kung sakaling may makakitang kinakausap nya ko.

"Kaibigan po kayo nila Sir Ram at Sir Russ?" Tanong niya.

"Oo" sagot ko. "Alam mo ba kung nasaan ngayon si Ram at yung kasama niyang babae na si Eve?" Tanong ko.

"Si mam Eve? Yung wirdong kasama ni Sir Ram akala ko pa nga po bagong multo sya dito sa resort, kakaiba po kasi talaga siya... madali siyang napansin ng mga..." hindi nya yun itinuloy.

Sabay sabay kaming napalingon paitaas, dahil parang may dumaan na malaking ibon. Hindi namin yun nakita pero dinig namin ang pagaspas nito.

"Maaga nanaman silang kukuha ng biktima" bulong nung batang lalaki.

"Boy? Anong pangalan mo?" Tanong ko.

"Ako po si Bernard" sagot niya.

"Sinong tinutukoy mo?" Tanong ko.

"The right question is "ano?" Singit ni Azra, na nakatitig padin sa itaas ng isang malaking puno ng akasya.

"Mga aswang" bulong ni Bernard.

Moon and the Angel Of DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon