Chapter 19: Awake

267 20 6
                                    

RAM POV

Confirm nga na iniiwasan ako ni Eve?

Why? What did I do?

Kahit anong pilit kong alalahanin, wala talaga akong maisip na bagay o pangyayari kung bakit she needs to avoid me.

Habang nasa detention kami. tahimik lang kami ng mga kasama ko, habang nagtatawanan ang ilang mga basketball players na pasimuno naman talaga ng lahat.

Kasama si Karis sa detention, kapalit na hindi na kailangan pang i-report sa university nya ang gulong napasukan nya. She just protected her bestfriend kaya acceptable naman ang reason nya.

Kahit na galing sa ilong nag pagsabi ng Sorry ng mga ulul na basketball players na ito, atleast inamin nilang sila ang nagsimula. Yun nga lang pantay padin ang parusa. 1 hour sa Detention room at kami ang naatasang maglinis at umayos ng gym.

Ang nakakapagtaka nga lang inako ni Cassett ang lahat.

Busy lang sa pagguhit si Cassette sa sketch pad nya, habang nakabantay sa kanya si Moon.

Binabato bato pa siya ng nilukot na papel ng ibang players, napipikon na din ako, lalo naman si Russ, pero pinipigilan lang kami nila Karis at Cassett.

"hayaan nyo lang sila" sabi ni Cassett.

Pero hindi ito nya napigilan mismo ang kapatid niya.

Sinipa nito ang isang upuan. Para sa hindi bukas ang third eye, nangibabaw ang katahimikan, nagtinginan ang lahat.

"Pare? may kasama yatang multo ang babaeng yan eh" tawa pa ng isang lalaking spikey ang buhok. Pero halatang namutla ito.

"Multo? o baka naman maligno" tawa naman nung isang medyo chubby pero matangkad.

Mas napikon si Moon, at sinipa nya ng mas malakas ang upuan, natamaan ang isang lalaking nananahimik lang sa sulok, matangkad ito at medyo payat naka-cap ito ng black na parang panghip-hop at may initial itong S sa harap. Dumaing ito sa sakit dahil natamaan ang tuhod niya.

"MOON!" sigaw ni Cassett. "nakakasakit ka na! tumigil ka na nga!" bawal nito sa kakambal.

Nilapitan ni Cassett yung lalake habang hinahaplos ang tuhod.

"Ok ka lang ba?" tanong ni Cassett.

"ok lang ako" mahinahong sagot naman nung lalaki.

"Sorry ha?' sabi ni Cassett.

"kami nga ang dapat mag-sorry sayo, pasensya ka na sa mga kasama ko" sabi nya. "nagalit tuloy ang kapatid mo"

Napatingin kaming lahat kay Moon.

"You can see him?" tanong ni Russ.

Tumango lang sya.

"you are... Shawn ang power forward ng team tama ba?" sabi ni Skyler.

"yup, it's nice to meet you by the way" sabi nito.

Napangiti lang si Cassett.

Hindi naman umimik ang mga kasama niya. Napailing pa ang iba.

Pagkatapos ng detention hour, talagang hinayaan lang nila si Cassett maglinis ng gym nila. Nagpaiwan kami at pati narin si Shawn.

"Sige na ako ng bahala dito" sabi naman ni Cassett.

"Ano kaba? hindi mo matatapos yan..." sabi naman ni Eve. "Samahan na kita" sabay iwas nanaman sakin.

Napatingin sakin si Cassett, halatang gets na nya ang ikinikilos ni Eve.

Moon and the Angel Of DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon