Chapter 24: Target

248 16 2
                                    

CASSETT POV

"Moon!" pilit kong pigil sa kapatid ko.

Ngayon ko lang syang nakitang ganito, ang mga mata niya... balot na balot ng kadiliman.

"Chander Kayne? calm down" sabay tapik ni Azra sa balikat ng kapatid ko. "That is what they want from you..." sabi nito.

Habang nagtatawanan ang mga Bloodline, ramdam ko ang kirot sa kamay ko. Napatingin pa ko kay Shawn, nakangiti ito sakin, kasabay nun dinilaan nito ang patalim na ginamit niya para hiwain ang kamay ko.

Ang traydor na ito... may interest din pala siya sa kakayahan ko sa pagpipinta.

Hinawakan ni Azra ang duguang kamay ko, at pinagaling nanaman niya ito.

Gusto ko sana siyang pigilan but it's too late.

Nawalan siya ng malay.

"Azra?!" tawag ko.

"He is so weak, masyado nanaman nyang ginamit ang kapangyarihan niya" sabi ni Willow.

"Dahil ba yun sa sugat ko?" naiiyak kong sabi.

"Hindi lang yan bestfriend" boses mula sa may pintuan, si Russ at Ram.

"Pinagaling din nya ang natamong sugat nila Russ at... Eve..." malungkot na sabi ni Ram.

"pasensya ka na Rameses, kaya ko lang pagalingin ang sugat ni Eve, pero... hindi ko mapapalitan ang dugong nawala sa kanya" mahinang sabi ni Azra.

"you did your best Azra, thanks" sabi naman ni Ram na parang pinipigilan niyang umiyak.

"teka! anong nangyari kay Eve? ok lang ba siya?" taranta kong tanong.

"She's gonna be ok, isinugod na siya nila Karis at Rukia sa hospital" sagot ni Ram.

"o eh bakit nandito ka pa?" tanong ko.

"kasama na din naman nila sila Clover, KD at Skyler" sabi ni Ian.

"Oo nga pala? kumusta si Skyler" singit ni Sid na bumalik na sa katinuan.

"Ok na siya, pinagaling din siya ni Azra, hindi naman ganun kalalim ang natamo syang sugat" sagot ni Ram.

"Kaya naman pala na low-bat ng husto tong si Azra" sabi ko. "Ikaw namang dark angel ka! hwag mo ngang abusuhin ang kapangyarihan mo" pagtataray ko na may halong pag-aalala.

Napangiti lang sya.

"right on time! nandito din sila" biglang sabi ni Rome ang lead vocalist ng banda.

"Total package na ah?" sabi ni Cola ang drummer na nakatitig kay Bestfriend Ian.

"Teka? bakit kasama nila si Shawn?" taka ni Ram.

"isa syang makamandag na ahas" sagot ni Saver.

"interesado siya sa kakayahan ko sa pagpipinta" sagot ko.

"F*** you!" sigaw sa kanya ni Ian.

"Hindi lang naman ako interesado sa kakayahan niyang magpinta, interesado din kami sa boses niya" sabi ni Shawn.

"Maasahan ka talaga namin Shawn" hanga pa ni Vlad sa kanya.

"Kelan ka pa naging myembro ng Bloodline?" tanong ni Sid.

"Hindi naman talaga ako myembro ng banda nila, pero magkakasama kami sa kultong kinaaaniban namin" sagot nito. "hindi nyo ba alam? nagkalat kami sa buong mundo" tawa pa nito.

"ang mga taong sabik sa kapangyarihan, kasikatan at gagawin ang lahat at handang itapon ang kaluluwa nila sa hari ng kadiliman" sabi ni Willow.

Palapit sila samin.

Moon and the Angel Of DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon