MOON POV
Isinugod namin sa hospital si Prof. Vincent but unfortunately... Dead on Arrival nadin sya.
Sinubukan ng mga kasama kong i-explain ang pangyayari pero nag-aalangan ang mga kasama ko na idetails ang lahat. Mabuti nalang at ang daddy ni Saver na isang imbestigador ang hahawak ng case and somehow he believe in his son and to us.
Nakapagtataka lang din dahil mas pinili ng pamilya ni Prof. Vincent na manahimik nalang at i-black news ang totoong dahilan kung sino ang nakapatay sa matanda, na walang iba kung hindi ang kanyang apo na si Shawn.
Azra and I tried to look for him, pero hindi namin siya matagpuan, ang nakakainis pa... parang binura ang alaala ng mga Bloodline members at idineretso pa sila sa rehab dahil narin sa paggamit ng drugs.
Ang labo... parang hindi din successful ang first case ng Ignition.
Naging stable na ang kalagayan ni Eve. Yun lang nga kulang nalang ibalot kami sa isang kahon at lagyan ng kandado ng mga pamilya namin sa laki ng gulong pinasok namin.
Sobrang blacklisted kami nila Cassett at Sid kina mama at papa not to mention ang masungit na snowman na si kuya Ice.
Pati ang parents ng mga kasamahan namin, hindi na napalampas ang mga pinagagagawa namin.
"we are so disappointed to all of you!"
Yun ang mga katagang nasabi nilang lahat sa amin.
At dahil sa pangyayaring ito, napagkasunduan ng buong barkada na chill muna kami, palamig muna.
Alam ko kung gaano nabobored na si Cassett, ni hindi din sya makapagfocus sa mga art na ginagawa niya.
"Moon..." iyak nito.
"napano ka nanaman?" tanong ko.
Nitong mga nakaraang araw din napapansin ko masyato syang nag papababy.
"please, papuntahin mo naman si Azra dito" sabi nito.
"ano? teka at bakit?" pagsusungit ko.
"Eh kasi naman? bukod sa'yo wala na kong ibang multo o kakaibang nilalang na nakikita" iyak nito. "Am I losing my power?" hysterical nito.
"Power ka dyan? ano ka? cartoon character?" pang-aasar ko.
"humihina ba ang sixth sense ko Moon?" seryong tanong niya. Napaupo ito sa kama, at totoong luha na ang iniiyak nito.
"Ano bang sinasabi mo? nakikita mo pa ko diba?" sabi ko.
Napatitig siya sakin.
"pano kung... pati ikaw hindi ko nadin makita?" sabi nito. Lumapit ito sakin at hinawakan ang pisngi ko. Bigala nalang itong humagulgol at napayakap sakin.
"Cassett? ano ba? ano bang nangyayari sayo!?" irita at pag-aalala ko sa kapatid ko.
Pinakinggan nya ang tibok ng puso ko, sabay hawak din sa dibdib niya.
"Moon, I can't feel you anymore" bigla nitong sabi.
Bigla akong napatulala. I tried to listen to her heart too, naririnig ko pa naman pero? mas mahina kesa dati. I tried to feel her emotion, I can still feel her and right now she's full of fears and sadness. Kaya hinaplos ko ang ulo nya.
"hey, maybe... masyado ka lang nalulungkot o stress kaya naapektuhan ang sixth sense mo" paliwanag ko.
Pinatahan ko na siya sa pag-iyak. Biglang may kumatok sa pinto.
"Ate Cass at Kuya C.K. may bisita kayo" sabi ni Luke.
Pagbaba namin. O bat nandito sila?
"Karis! Bestfriend Ian!!!" sigaw ni Cassett sabay yakap sa dalawa "I miss you na!" ngawa nanaman nya.
BINABASA MO ANG
Moon and the Angel Of Death
Teen Fiction"Moon" is a guardian ghost na nangakong proprotektahan ang kanyang kakambal na si Cassett mula sa mga kakaibang pangyayari o masasamang elemento sa mundong ito. What if kung makikilala niya at makasama ang Angel of Death bilang isang kaluluwang lig...