Chapter 31: Faded

230 18 32
                                    

CASSETT POV

Saan naman kaya kami pupunta ni manang? Akala ko naman magpapasama lang sya para magpahangin sa labas ng kwarto nya, eh bakit parang sa morge na yata kami patungo?

Kung bukas lang ang third eye ko for sure madaming kaluluwa na kong nakikita. Nakakapanibago. Bakit parang mas natatakot pa ko ngayon?

May nakasalubong kaming 2 lalaking nurse. Napakapit pa silang dalawa nung makita kami.

"Pare? Nakikita ko yung multong sinasabi nila dito sa isle nato" sabi nung matangkad na nurse, ang gwapo pa naman.

"Pare ako din" sagot naman nung isa na namumutla na.

"Hoy! Buhay pa kami noh!" Sagot ko sa kanila. "Manang nangaasar yata tong mga ito eh" irita ko.

Pagharap ko sa salamin, muntik nadin akong napatalon sa dalawang nurse.

"Pasensya na? Nahulog kasi sa bangin ang suklay ko, alam nyo naman dito sa Baguio, puro bangin" sabay pilit kong inaayos ang buhok ko.

"Ah? Nay, at miss... bawal na kayo dito, papuntang morge na kasi ito" sabi nung isang nurse.

"Ah oo sige babalik na kami" sabi ko.

Pero biglang tinitigan lang ni manang ung dalawang nurse pagkatapos ay nahimatay silang dalawa.

Pagtingin ko sa babaeng katutubong kasama ko may hawak itong lighter.

"Sino ba talaga kayo? Anong ginawa mo sa kanila?... at anong kailangan mo sakin?" Tanong ko na kinakabahan na.

"Ako si...." bulong niyang sabi kasabay nun sinilaban nya ang isang painting sa pader. Kanina ay isang nakatalikod na doctor ang nakapinta dito, pero unti unti lumilitaw ang isang imahe , parang isang pinto?

"Manang? Ano to?" Tanong ko.

Pero itinulak nya ko sa may apoy...

Ang dilim...
Ang tahimik...
Mainit...

Pagmulat ng mga mata ko.

Nasan ako?

May naririnig akong umiiyak? Mga babae?

Mga kaluluwa nalang ba sila?

Biglang lumiwanag. Ang sakit sa mata. Nung masanay na ang mga mata ko, kilala ko ang mga babaeng ito? Sila yung mga naging biktima ng painting sa campus nila Rukia.

Nung makita nila ako, napasigaw silang lahat.

"Hello? Tao ako dont worry" pilit kong ngiti sa kanila.

"Long time no see Cassett" pamilyar ang boses na yun.

"Shawn?" Bulong ko.

"Touch naman ako at hindi mo pa ko nakakalimutan" ngiti naman niya.

"Ulol! Makakalimutan ko si Napoles na nagnakaw ng kaban ng bayan ng Pilipinas pero ikaw Never!" Sigaw ko.

Natawa lang ang sira ulong magnanakaw ng talento.

"Hoy! Ibalik mo na nga sakin ang third eye ko!" Sigaw ko.

Pagkatapos ay may inihagis itong pulang bag sa akin.

"O kahit 10 mata pwede mong idikit sa mukha mo" tawa naman niya.

At pagkakita ko sa bag, mantya pala ng dugo iyon at hindi natural na pula, nung buksan ko ito...

"You are sick!" Sigaw ko sabay hagis ulit sa kanya ng bag, gumulong pa ang ilang mata sa sahig.

Hindi ko na nabilang kung ilang mata ang nasa loob ng bag.

Moon and the Angel Of DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon