Chapter 38: Light's out

251 17 60
                                    

MOON POV

Where the hell am I again?

Ang alam ko lang papunta na ko sa America para bisitahin si Lacey, same portal lang madalas ang dinadaanan ko ah? Tapos bigla nalang dumilim ang paligid.

Pagkatapos nun, para kong nawalan ng malay. At paggising ko nga kasama ko na ang wirdong babaeng to? Balak pa yata akong pikutin?

"O kumusta ka na My handsome Moon?" Ngiti niya.

Her smile is warm I admit, but her eyes, they are sad.

"Ayos naman? Wala ka pa bang balak pakawalan ako?" Tanong ko.

Umiwas siya ng tingin pero kinalagan nya ang mga tali sa kamay ko.

"Pasensya ka na Chander Kayne" bulong nito.

"Ano bang kailangan mo sakin Lux?" Tanong ko.

"You know my name?" Taka pa niya

I sighed.

"I know you, ikaw ang dating Angel of Lights hindi ba?" Sagot ko.

"Pero panong?" Taka pa nya.

"Simula ng makasalamuha ko si Azra nuon, nalaman ko na may iba't-ibang anghel pala. Mula sa mga white angel hanggang sa dark angel" sagot ko.

"What I mean is alam mo na ako ang DATING angel of lights, pano mo nalaman na hindi na ko..." lungkot nanaman ng mga mata nya.

"Dahil sa mga pakpak mo? Nagiging transparent parang kay Azra, isinumpa ka din ng langit noh?" Tanong ko.

Napatango lang sya.

"So? Anong kaso mo? Bakit ka na kick out?" Straight forward kong tanong.

"Dahil sayo" diretso din nyang sagot.

Naubo ako kahit wala akong iniinom.

"What? Why me?" Taka ko.

"Kasi... na inlove ako sa pangalan mo, kayong dalawa ni Cassidy Lunette, clever little moon ang ibig sabihin ng name nya hindi ba? At pagkatapos naman ay yung sayo Intelligent Moon" 

"O? So what? Napaka big deal naman sayo ng name namin? Hindi lang naman kami ang may pangalan na derived from moon" irita ko.

"I know... pero kayong dalawa ang may interesting na kwento" ngiti niya. "Nahulog ako sa liwanag mo... sa liwanag na binibigay mo kay Cassett, isinakripisyo mo ang kalayaang ng kaluluwa mo sa magulong mundo na ito para lang makasama si Cassett" hanga nito sakin.

Naks! Siya siguro ang number one sa mga fans ko? Naman! Pogi mo Moon!

"Humahanga ka lang ba nyan o obssessed ka na? Bakit kailangan mo pa kong hulihin?" Tanong ko.

"Dahil... alam ko namang hindi ka sasama sakin eh" sagot nya.

"What? Sasama saan?" Taka ko.

"I need your help" bigla nalang siyang naiyak.

"Teka? Bakit ka umiiyak?" Tanong ko nalang, "anong tulong ang kailangan mo?"

"I need to find Eros" sagot nito.

"Eros? Hindi ba ikaw yun? Luxeros?" Tanong ko.

Umiling sya.

"Nakilala lang naman ako sa pangalan na yun dahil ako ang dahilan kung bakit nahulog sa kadiliman si Eros" sagot nito.

"Teka teka? Naguguluhan kasi ako? From his name Eros? Do not tell me sya talaga ang angel of love?" Tanong ko.

"Angel of heart to be exact, hindi lang naman love ang nararamdaman ng puso" sagot nya.

Moon and the Angel Of DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon