Chapter 61: Guards

191 13 56
                                    

CASSETT POV

"Lett, bakit malungkot ka?" tanong ni Ian, kakabalik lang niya kasama sina Saver at Willow. 

Ano ba yan? nakakainip naman, sana isinama nalang ako ni Moon. 

Kasi naman, ayos lang naman talaga ko ah? Wala naman akong nararamdamang sakit.

May pag ka o.a din tong kakambal ko eh? Hmmn... nasan ka na ba Moon. I closed my eyes. 

"Cassett? Uy gurl? Ok kalang ba?" Pag-aalala ni Karis.

"Omg! Gurl need ko na bang tumawag ng ambulance?" Taranta naman ni Rukia.

Luh? O.A din tong mga to eh.

"Ay grabe naman kayo? Para napapikit lang ako" sabi ko.

"Ah akala ko inatake ka na" tawa pa ni Rukia.

"Hindi ba pwedeng inaantok lang?" Tanong ko.

Ang totoo pinakikiramdaman ko ang puso ko, gusto ko ding malaman kung ok. Lang din si Moon.

What the? Ang tibok na yun...

Napatayo ako, napakapit sa dibdib ko.

"Lett?" Lapit sakin ni Ian. At mas lalong nag- alala sila Karis at Rukia.

What is that feeling? sana ok lang si Moon at Azra?

"Anong problema?" Si Ram kasama si Eve.

"I think Moon is in trouble" sabi ko.

"Ha? anong ibig mong sabihin?" tanong ni Ram.

Hindi ko din naman kasi maipaliwanag sa kanila. 

"Gusto mo bang sundan natin sila?" tanong ni Lace.

"what? teka sis? pano natin sila susundan? eh hindi nga natin alam kung nasaan na sila ngayon" sabi ni Liam. 

"Lee is right cu'z, besides pinaalalahanan na tayo, hwag tayong gumawa ng hakbang habang wala sila, we just need to take care of Cassett" sabi ni Ram. 

Hay naku, sa totoo lang ang higpit ng mga ito! Need ko na yata ng escape plan? pero may point si Liam, hindi ko din alam kung saan ko pupuntahan si Moon. 

Sino kayang makakatulong sakin. 

"Nasan na ba ang sunglasses ko?" irita ni Rukia habang kinakalkal ang bag. "Nasisilaw ako sa araw, bakit ba kasi tirik na tirik naman ito!"

Pinitik siya sa noo ni Eve. "nasa ulo mo gurl" sabi nito. 

Natawa nalang ang lola mo sa hiya. 

"Katak kasi ng katak, try mo kayang i-zip yang bibig mo para makapagconcentrate ang mata mo" pang-aasar pa ni Ray. 

As usual mag-aaway nanaman ang dalawa. 

Nakakasilaw ang liwanag ng araw. Liwanag? 

Hmmn? pwede nga kaya siya? I checked my watch, may 5:00 palang pala ng hapon. I still need to wait...

"O sige na, magpahinga na muna tayo, uuwi muna ko at sa bahay na muna ko matutulog. Baka maparanoid nanaman sila Mama at Papa wala nanaman ako sa bahay" suggest ko.

"Pero diba? nasa province ngayon ang parents mo, para makarecover ng husto si Tito? Sinong kasama mo?" tanong ni Lacey. 

"Nandun naman sila Sid, Luke at Kuya Ice" sagot ko. 

"samahan ka nalang namin" suggets ni Karis.

"ay naku? lahat kayo?" tanong ko. 

"Oo? for sure papayag naman si Kuya Ice diba?" tanong ni Ram.

Moon and the Angel Of DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon