SAVER POV
Nakiusap si Cassett na hwag ng ipaalam kina Ram at Eve ang hahawakan naming case, pero like I thought Rameses is not stupid not to notice there is something wrong.
Habang nakikipagkwentuhan sila Willow at Cassett kay Eve sa hospital I talked to Ram and explained everything.
"I will try to reach my cousin and C.K. for sure kasi ako na magagalit yun at pati tayo madadamay kapag hindi ipinaalam sa kanya ang nangyayari lalo na at tungkol ito sa pinsan niyang si Kuya Ice" sabi nito.
"I agree, iba din ang topak ng multong yun eh at napakatigas ng ulo ni Cassett" sang-ayon ko.
"Isa pa hindi na basta basta to, As far as I know delikado at mahirap palayasin ang Incubus, isa itong itim na elemento" pag-aalala niya.
"Looks like marami ka din alam sa mga ganitong bagay?" Hanga ko.
"Honestly, mas maraming alam sakin ang mga pinsan kong sila Lacey at Liam, but when I started to embraced my sixth sense ability, I decided na pag-aralan din kung paano ko to magagamit in good ways, lalo na pati si Eve ay interesado sa mga ganitong bagay" ngiti pa nya.
Napangiti din ako dahil naiintindihan ko siya, pareho lang kami na nageenjoy sa mga bagay na gusto din ng mga taong mahalaga samin.
"You know what? Bagay talaga kayo ni Eve" sabi ko.
"Kayo din ni Willow pare" sagot nito.
"Saver?" Tawag ni Willow. Namumutla ito.
"Willow? What's wrong?" Tanong ko na nag-aalala.
"I think, hindi na natin kailangan gawin ang plano sa dorm ni Ms. Candy" sabi nito.
"What do you mean?" Tanong ko.
"I think, si Cassett ang bagong target ng Incubus" sabi nito.
"Nasan si Cassett?" Tanong ko.
"mahimbing kasi ang tulog ni Eve dahil kakainom kang nya ng gamot, natakot si Cassett na baka si Eve naman ang pagsamantalahan ng maligno kaya..." hindi niya naituloy ang sasabihin ng...
May tumatawag sa phone niya.
"Cassett nasan ka na?" Tanong niya. "Oh god, just wait... parating na kami" tarantang sabi ni Willow.
Patakbo kaming nagtungo sa rooftop ng hospital.
Bago pa man kami makarating sa pinto, nanduon ang itim na elemento. Nakaabang lang sa pinto. Nung mapansin kami nito, mabilis naming itinago ni Ram si Willow sa likuran namin.
Mabilis na naglaho ang Incubus.
"Cassett?" Tawag namin.
Pagdating sa rooftop, nanduon si Cassett at sumisilip sa may pintuan, punit ang tshirt nito.
"Ayos ka lang ba?" Tanong ni Ram.
"Walangyang Incubus yun, ang lakas ng loob! Sinundan na ko sa hospital, peeping tom pa siya sa comfort room!" Sabi niya. "At pinunit pa niya ang spongebob tshirt ko!" Gigil pa nito.
Hindi ko alam kung matatawa ako o maawa sa kanya.
"Cassett?" Si Azra.
"Ikaw! Para ka talagang si batman noh? Laging huli sa eksena! Akala ko ba ipagtatanggol mo ko!" Sumbat nito.
"I'm sorry, kasi... sobrang init" pabulong na sabi ni Azra. Pero hindi nga normal ang paghinga niya, namumutla na ito, alam kong nanghihina siya sa init.
"Aba?! So dapat hintayin ko munang lumamig ang panahon bago kita tawagin? O sige iligtas mo ang malamig kong bangkay" rolling eyes pa ni Cassett.
Hindi nakakibo so Azra, at punas lang ito ng punas ng pawis.
BINABASA MO ANG
Moon and the Angel Of Death
Teen Fiction"Moon" is a guardian ghost na nangakong proprotektahan ang kanyang kakambal na si Cassett mula sa mga kakaibang pangyayari o masasamang elemento sa mundong ito. What if kung makikilala niya at makasama ang Angel of Death bilang isang kaluluwang lig...