Chapter 5: Lost

273 25 11
                                    

"Being lost sometimes is one way to find the right direction"

dawn_paris

-----------------

CASSETT POV

Nakatitig lang ako sa kawalan... hawak ang paintbrush. Wala akong maisip na concept para sa painting ko. Nakakainis...

Ilang araw na ba ang lumipas nung makipaghiwala ako kay Skyler? bakit naman kasi yun pa ang pangalan niya? lagi kong nakikita.

"Cassett?" sabay pitik sa noo ko.

"hwag ka ngang makulit Moon" sabi ko.

But he just stared at me... with those worried eyes.

Nagbuntong hininga ako. Sinampal ko ang sarili ko.

Natulala siya pati ang ilang studyante sa paligid. Sabay sabay silang tumayo at nilayuan ako.

"Hey? don't do that" sabay haplos ni Moon sa pisngi ko. "Please Cassett, do not hurt yourself" pagaalala niya.

Nababaliw na ba ako? ano nga ba kasing nangyayari?

Namimiss ko si Skyler, yun ang totoo.

"Samahan mo na nga lang ako Moon" sabi ko.

"Where?" tanong niya.

"Sa likod, sa abandoned basketball gym" sagot ko.

"pupuntahan mo nanaman ang dalawang multong si Ace at Anya?" tanong niya.

Napatango ako.

"Cassett? don't you think na mas ok kung puntahan mo nalang ang mga buhay mong kaibigan?" tanong ni Moon.

Napahinto ako sa paglalakad.

"Tama ka Moon..." bulong ko. "Can you do me a favor? pakisabi kina Ian at Ram, kita kita kami mamyang uwian" pakiusap ko.

"Sure no problem" sagot naman agad ng kapatid ko sabay laho sa paningin ko.

"Sorry Moon..." ang totoo, mas gusto ko yatang mapagisa muna.

Lumabas ako ng campus.

Saan kaya ako pwedeng pumunta?

Nung palipat ako ng daan.

BEEP!!!!!!!! malakas na busina ng isang motor.

"Cassett!" sigaw sa pangalan ko sabay hila sakin.

Paglingon ko, ang lalaking may pulang buhok. "Careful" sabi niya. Sabay walk out, at suot agad ng hood.

Ang weird talaga niya. At teka? alam niya pangalan ko.

"Hoy?! magpapakamatay ka ba?" sigaw nung lalaking nakasakay ng motor. Paghubad ng helmet nya. WOW! ang gwapo...

Pero? may nakaangkas sa likod niya, isang babae, ang haba ng buhok. At may kakaibang aura siya...

"Ok ka lang Miss?" tanong niya.

"ah oo... sorry" sabi ko sabay pulot sa mga nahulog kong gamit.

"Saver! ano ka ba magsorry ka din" sigaw at utos nung babae.

Inirapan pa ko ng masungit na lalaking to.

"Sorry" bulong niya sabay pulot ng sketch pad ko.

Napatitig siya dito at binuksan. Wow lang ha? hindi man lang humingi ng pahintulot.

Hinayaan ko na.

Nung pagbalik niya sakin ng drawing. "you're good" sabi nito.

"Uy, madalang lang maka appreciate yang boyfriend ko, it means magaling ka talaga" sabi nung babae.

Moon and the Angel Of DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon