Chapter 25: Red Ink

277 18 5
                                    

CASSETT POV

Sinundan namin si Shawn, pero nagdesisyong magpaiwan sila Ace, Anya at Ray na bantayan ang Bloodline Band, kung sakaling magising sila, atleast may nagbabantay sa kanila. Pinasusunod ko na si Ram sa hospital para mabantayan si Eve pero sakto namang nakatanggap ng tawag si BestFriend Ian mula kay Karis na maayos na ang kalagayan ni Eve.

Pagkadating sa Art department building. Dumiretso kami sa opisina ni professor Vincent kung saan nakarinig kami ng sigaw, ang nakapagtataka hindi man lang ba narinig ng ibang tao ang sigaw na yun? at wala man lang bang naglaks loob na tumawag ng police kaninang nagkaruon ng kaguluhan sa lumang gym?

"wait" sabay pa si Willow at Ram sa pagpigil sa amin.

"Bakit?" tanong ko.

"Moon? Azra? mas makakabuti yata kung mananatili lang kayo sa linyang ito" sabi ni Willow.

"Hindi ko naman pwedeng pabayaan si Cassett" angal pa ni Moon.

Nagkatinginan sila Willow at Ram.

"Ano ba kasi yun? bakit hindi nyo nalang ako diretsahin?" masungit na tanong ni Moon.

"C.K? pare? bat ang init ng ulo mo?" taka ni Ram. "hindi mo ba napansin may talisman para sa mga kaluluwa o spirits ang pasilyo mula rito" sabay turo ni Ram sa magkabilang poste ng pader.

Hindi kumibo si Moon, sinabunutan pa nga niya ang sarili niya.

"kahit si Azra hindi makakapasok?" tanong ko.

"Bakit parang mas gusto mo yata siyang makasama kesa sakin?" tanong ni Moon. "dahil ba siya ang nagligtas sayo kanina?"

Hala? meh ganun?

Binatukan ko tuloy siya.

"addict kaba Moon? nasobrahan ka ba sa pagsinghot ng usok ng itim na kandila kanina sa rooftop?" pagsusungit ko.

"Moon, pare? anong bang nagyayari sayo? pati ba naman si Cassett aawayin mo? at ngayon mo pa piniling magtampo ha?" taka din ni Ian.

"Hindi ako nakikipagaway sa kapatid ko Russ! at hindi ako nagtatampo!" masungit niyang sabi.

"mas makakabuti nga kung maiwan ka nalang muna dito" irap ko sa kanya.

Huminga siya ng malalim at pagkatapos...

"pare? pakisuntok nga ako" request nito kay Russ.

"ano? nasisiraan ka na ba talaga Moon?" taka ni Russ.

"Basta paki suntok ako, yung malakas!" utos ng kapatid ko.

"Hindi ko yata kaya yan..." alangan ni Russ.

"Russ! please!" pakiusap ni Moon. "sunt....."

Hindi niya natapos ang sasabihin nung sinutok siya ng malakas Saver.

Nagulat nalang kaming lahat.

"o ano? gising ka naba?" tanong sa kanya ni Saver.

Habang hawak hawak pa niya ang panga niya.

"Thanks pare! oo ok na ko" sabi ni Moon.

Napailing ako... ano bang nangyayari sa kanya? Napahawak ako sa puso ko... bakit ganun? parang hindi ko ramdam ang pagtibok ng puso ng kapatid ko?

"Please? kapag nakita niyo o napansin nyong kakaiba ang ikinikilos ko at pananalita, pakibatukan o pakisuntok ako" pakiusap ni Moon.

Napahawak ako sa kamay ng kakambal ko, tinitigan niya ko... may takot at lungkot ang mga mata niya ngayon.

Moon and the Angel Of DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon