Bonus Chapter: Freedom

366 14 12
                                    

MOON POV

And there she goes.
She's really beautiful in her  simple gown, at gaano kaya katagal inayos ang buhok nya?

I chuckled.

Napalingon sakin si Lacey with those lovely eyes. Though I can feel a little sadness.

"Balang araw, lalakad kadin sa isle para magpakasal" bulong ko.

"Balang araw? You mean may pag-asa kang mabuhay?" Tanong nito.

"Lace... you need to find a real man" advised ko.

"Moon?magsisimula nanaman ba tayo sa topic na yan? Please... not now. Napakaimportante ang araw na ito" taas kilay nya.

"Uy, ano ba kayo? Hwag nga kayong magsimula ng L.Q. sa occassion na ito? Nakakasira ng romantic vibes eh" pagsasaway ni Rukia sa amin.

"Infairness, si Azra... naman! Gwapings!" Si Eve sabay tingin sa harapan ng altar.

"Oo nga gurl" kilig din ni Rukia.

Napangiti ako, oo nga gwapings tong dark angel na ito.

Nagsimula ng maglakad ang bride.

"She's so beautiful" naiiyak na sabi ng mga girls.

Akalain mong may dugong mangkukulam ang bride, sa ganda niya ngayon she looks like an angel. Lalo naman ang brides maid nya, naman kambal ko yata yan.

O bakit? Akala nyo ba si Cassett at Azra ang ikakasal?
Brides maid siya ni Willow at bestman naman ni Saver si Azra.

Eh di pinugutan ko ng ulo si Azra kapag nagmadali siyang magpropose ng kasal sa kakambal ko. Lol!

Halos magiisang taon na din ang nakalipas, pagkagraduate nila Saver at Willow, hindi na nagaksaya ng panahon ang dalawa at nagpasya na ngang magpakasal.

Sa dami ng napagdaanan namin, nadamay din ang dalawang ito. Bukod dun, mabuti nalang at nawala nadin ang sumpa nila.

Parang napalingon si Cassett sa direksyon ko. Could it be?

"Cassett? Bakit? Sinong tinitingnan mo?" Tanong ni Karis, na napatingin naman sakin.

"Ah wala naman, para kasing may naaninag akong liwanag sa tabi ni Lacey" sagot nito.

Nagkatinginan pa tuloy ang lahat.

"She can't still see me" smirk ko.

Simple lang ang kasal nila Willow at Saver. Walang masyadong arte pero romantic padin ang dating. After ng ceremony ay dumiretso kami sa Laguna, sa Villa nila Russ. Madami din kaming alaala sa lugar na ito.

"Bakit parang sobrang pamilyar ang lugar na ito?" Tanong ni Cassett.

Sabay sabay kaming mga tropa nagkatinginan.

"Hmmn... kasi diba Lett, madalas magkalaro tayo nila Ram dito nuong mga bata pa tayo" sabi ni Russ.

"Ah oo nga pala" sagot ni Cassett. "Mahilig pala tayong mag hide and seek at magtakutan nuon" natatawang sabi nito.

"Talaga? Magtakutan?" Tanong ni Rukia.

"Oo eto kasing si Ram, nakakakita yata ng multo nuon" pang-aasar ni Cassett.

"Nuon lang ba?" Tanong ni Eve.

"O bakit? Hanggang ngayon ba nakakakita pa ba siya? Uy ha? Ang tatanda na natin para maniwala pa sa mga multo" natatawang tanong nanaman ni Cassett.

Pinilit nalang tumawa ng mga kasama ko, pero as in mukha silang shunga.

"Omg... hanggang kailan pa ba tayo magpapanggap na hindi tayo nakakakita ng mga mumu, lalo na si papa Moon" bulong ni Rukia.

Moon and the Angel Of DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon