Chapter 22: Unmask

263 23 4
                                    

MOON POV

Tulad ng plano kailangan makuha ng Ignition ang attention ng Bloodline Band, ang problema sa dami ng magpeperform at activities sa school festival hindi ganun kadaling gawin ang mangibabaw sa lahat.

Habang nagiisip ng strategy. 

"hey guys, wanna watch our game muna?" tanong ni Shawn na  pawis na pawis na. 

"oo nga pala, may laban din pala ang basketball team ngayon" sabi ni Cassett. "Sige tara nuod muna tayo" excite nito. "naglalaro din si Sid hindi ba?" tanong niya. 

"Oo, tara, tamang tama magsisimula na ang final set" alok ni Shawn.

Pagdating sa gym, expected na na sobrang dami ng tao pero madali naman kaming nakakuha ng magandang pwesto dahil kusang nagsipagalisan ang iba nung makita si Cassett at Eve. Lol! hindi ko alam kung mapipikon ako o matatawa nalang. 

Mabilis lang naipanalo nila Shawn ang laban. Napansin naming may kausap si Sid. Nakangiti naman ito sa kalabang team. 

Nung mapatingin sa amin, nilapitan nila kami.

"Heto nga pala ang pinsan ko si Cassett" pakilala ni Sid, syempre hindi naman nya ko pwedeng ipakilala sa mga yun dahil hindi nila ko nakikita. 

"Brian? Lionel?" banggit ni Ram. "wazzup bros" bati nito.

"ah oo nga pala, they are your cousins" sabi ni Sid. 

Ah? natatandaan ko na nga, sila ang mayayaman ding mga pinsan nila Ram pero hindi sila masyadong close. 

"Good to see you around cu'z, nice meeting you all" bati at paalam ng dalawa, pero ako lang ba o napaiwas tingin sila kina Willow at Saver. Pagkatapos ay masayang lumapit kina Clover. 

"Cmon we have to prepare for later" alok ni Willow. 

Habang naghihintay sa club house may announcement kaming narinig.

"OMG? totoo? battle of the band ang mangyayari mamya?" gulat ni Eve.

"That's perfect!" tuwa naman nila Russ at Saver. 

"Oo nga atleast kahit papano hindi na tayo mamomroblema sa pagpapapansin sa Bloodline, ang kailangan lang nating gawin ay manalo sa contest" sabi naman ni Ram. 

"Lucky! infairness parang pabor satin ang araw na ito" sabi ko naman. 

Kaya nagsimula ulit silang magpractice ng performance nila. 

Pagsapit ng gabi pinapunta na ang mga students at manunuos sa abandoned gym. halos lahat sila nagtataka kung bakit duon ang event, ang iba pa nga sa kanila ay hindi na nagpunta dahil sa takot, mas pinili nalang nilang magparticipate sa iba pang event ng school festival. 

Pagdating sa gym, sumabay pa ang lamig ng hangin, lalo tuloy nangilabot ang mga tao. Tapos bigla nalang kaming nakarinig ng babaeng nagsisigaw. When we check it out.

"waaahhh! ang Bloodline nandito na!" kilig at sigaw ng mga kababaihan. 

Nagkagulo ang mga fans hanggang sa nagsalita ang isang matandang lalaki sa stage. Si Professor Vincent. 

"Ngayong gabi alam kong karamihan sa inyo ay nageenjoy at naeexcite sa mga mangyayari pa sa School Festival, nais ko sanang pasalamatan muna ang isang tao na nagpakita ng kakaibang talento sa pagpipinta. Ms. Cassidy Lunette" pakilala nito sa kapatid ko. 

Tulad ng inaasahan muntik ng nagtakbuhan ang ibang tao, dahil buhaghag nanaman ang buhok ni Cassett. 

"ano ba yan, mamya nga itirintas nalang natin ang buhok ni girlfriend" pigil tawa ni Rukia. 

Moon and the Angel Of DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon