CASSETT POV
Ano daw? Angel of d....
Death? seryoso?
"addict ka ba?" tanong ko.
Napatingin din ako sa kapatid ko. parang takot at galit ito kay Azra.
Ano kayang issue ng dalawa? mukha namang mabait itong si kamatayan eh, tyaka... hindi ko expect na gwapo pala ito.
"bakit nandito ka? hindi mo naman siguro kami sinusundo?" tanong ni Moon.
Sinusundo? OMG? ano to? oras ko narin bang mamatay?
Pinitik niya ang noo ni Moon.
"I can't do that, and besides... hindi pa oras ng kapatid mo" sagot naman ni Azra sabay wink pa sakin.
"teka? hwag mong sabihin kukunin mo sakin si Moon" sabay yakap ko sa braso ng mahigpit sa kakambal ko. "Hindi nya ko pwedeng iwan!" taranta ko. "Moon, hwag kang sasama sa kanya" pakiusap ko.
"hey.. easy Cassett, hindi kita iiwan, di ba pangako ko yan sayo?" sabi ni Moon.
"Sinabi ko naman sa inyo diba? wala akong balak gawing masama sa inyong magkapatid" sabi ni Azra na napakamot pa ng ulo. "Ang kulit nyo din noh?"
"Eh anong kailangan mo nga samin? bakit lagi kang nakabuntot samin?" tanong ko.
He sighed. Wow ha? laki ng problema nitong dark angel na to.
"Because, I'm lost..." sabi niya.
Nagkatinginan kami ni Moon.
'i'm no longer the angel of death" sabi nito na napatingala pa sa langit.
"What do you mean?" tanong ni Moon. "Napalayas ka?"
"Parang ganun, it's my punishment" sabi niya.
"Bakit anong kasalanan mo?" tanong ko.
"I chose to protect humans like you" sabi niya. "kaya ayun, pinarusahan ako... I'm a lost angel now" sabi nito may halong lungkot.
Nagkakatinginan lang kami ni Moon.
"seryoso ba siya?" tanong ko.
"How weird at unusual naman yun para sayo? bakit mo naman sinubukang protektahan ang mga tao?" tanong ni Moon.
"I don't know, siguro... dahil sobrang nacurious ako sa mga ginagawa ng iba para sa kapwa nila tao. Nacu-curious ako sa salitang pagmamahal" sagot ni Azra. "madaming bagay ang nagagawa nito... tulad niyong magkapatid hindi ba Chander Kayne?" tanong nito sa kapatid ko.
"pwede ba? hwag mong buuin ang pangalan ko, Moon nalang o kaya C.K ang itawag mo sakin" irita ni Moon.
Natatawa lang ako. Ang laki kasing issue para kay Moon ang totoong name nya eh.
"what's wrong with you name?" tanong naman ni Azra.
'bakit ikaw? gusto mo bang tawagin kitang AZRAEL?" seryosong tanong ni Moon kay Azra.
Napatahimik ito.
"That name doesn't suit me anymore" sabi niya.
"Azrael? ang true name mo?" taka ko.
Napatango lang siya "pero tawagin mo nalang akong Azra" sabi nito.
"Azrael means Archangel of Death" sabi ni Moon.
Oh? ang weird.
Biglang may narinig kaming nagbabsagan ng bote mula sa bar.
"anong nangyayari?" tanong ko.
BINABASA MO ANG
Moon and the Angel Of Death
Teen Fiction"Moon" is a guardian ghost na nangakong proprotektahan ang kanyang kakambal na si Cassett mula sa mga kakaibang pangyayari o masasamang elemento sa mundong ito. What if kung makikilala niya at makasama ang Angel of Death bilang isang kaluluwang lig...