Chapter 68: Lost

168 8 47
                                    

MOON POV

Tama nga ba ang ginagawa ko? 

Dahil walang katawang ibuburol, mas minabuti na itago muna ang totoong nangyari kay Eve, mabuti nalang din at bukod sa tropa, wala namang ibang ka-close si Eve dahil iwas din sa kanya ang karamihan. 

At Dahil sa insidente, ilang araw ding cancel ang klase ng University nila. 

Pahirapan nga lang magpaalam si Cassett, as usual overprotective sila mama at papa. 

"What now? ayaw kang payagan?" tanong ni Karis. 

"Eh di... tatakas nalang ako" sagot ni Cassett.

"Woah! seryoso ka Cassett? gusto mong patayin kami ng pamilya mo?" tanong ni Lacey. 

"C'mon, just make a good excuse" sabi ni Russ. 

"Jusme! anong excuse? project nanaman? gasgas na ang excuse na yun diba?" irita ni Cassett.

Nagkatinginan ang barkada. 

"Hindi ka pa namang gumawa ng ganung excuse ah?" taka ni Ram.

"really?" isip ulit ni Cassett.

Napangiti ako... naalala ko kasi na nuon, madalas ganun ang lagi nyang paalam. 

"O sige try ko" sabi nito.

At woala! ayun, pinayagan nga siya kaya lang kasama si Sid. Kaya from the top nagpakilala ako at nagsinungaling din sa kanya. Ganun din naman kina Rukia at Ray na kikitain nalang namin sa Baguio. Susunod din sila Willow at Saver.

Habang nagbyabyahe paakyat ng Baguio. 

"O bakit traffic?" taka ni Russ. 

"look!" sigaw ni Karis at sabay turo sa isang parte ng bundok. 

"Forest fire?" tanong ni Lacey. 

"Apoy nanaman?" bulong ni Cassett. Binuksan nito ang pinto at lumabas. 

Nagbabaan din ang iba, pati ang ibang tao. 

"Ay grabe! pano nyan? mukhang sarado muna ang daan papuntang Baguio ah?" sabi ni Liam.

I hear something. Pagtingin ko sa itaas.

"WATCH OUT CAssett!" sigaw ko, sabay hila sa kanya. 

Napasigaw pa ang mga kasama ko at ang ibang tao, dahil sa paggulong ng malaking bato galing sa itaas ng bundok. 

"Shit! muntik na kong nadaganan ng batong yan!" nginig ni Cassett. 

"Ayos ka lang Luca?" pag-aalala agad ni Sid. 

"Oo Sid, ok lang ako" sagot naman ni Cassett.

"SHIT! my car!!!" sunod sunod ang mura ni Liam. 

Mabuti nalang at nakalabas ang buong tropa. Pero...

"this is not right" bulong ko. Nakita ko pa si Azrael sa itaas ng bundok. Sya ba ang may gawa nun? 

"Parang, pinipigilan tayo ah?" sabi ni Ram. 

Parehas lang kami ng naisip. Pinipigilan ba ko ni Magma? pero kung tutuusin din naman, kung hindi dahil sa sunog, baka kasamang nadaganan ang mga kasama ko ng malaking bato sa loob ng sasakyan. Mabuti nalang at curious ang mga ito sa pangyayari sa labas. 

"Oh my god! my car! sis..." halos iyak ni Liam. 

"C'mon Lee... we can't do anything about that now" comfort nalang ni Lacey. 

Lumapit pa si Liam sa sasakyan at hinaplos ito. 

"Liam, ingat... baka..." hindi pa man natatapos ang babala ni Karis. 

Moon and the Angel Of DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon