Chapter 29: Report

250 18 8
                                    

A/N
I dedicate this chapter to Beautiful_nightNday
Thank you so much sa pagsupport ng stories ko.
God bless ^_^

-----------

RUKIA POV

Mabuti nalang kahit papano ay busy ang parents nila Cassett sa pagaasikaso ng kung ano mang business.

Inatasan padin si Kuya Ice na bantayan ang kambal, mabuti nalang ngayon eh kakampi namin siya.

O ano na nga bang next step namin?

"O ano Rukia may nalaman ka na ba kahit papano sa background ng mga taong nagpakuha din ng picture sa may painting?" Tanong ni papa Ram.

"Ah oo naman papa Ram, hindi naman nga ako nahirapan dun" pagmamalaki ko pa.

"Hindi ba makakasama si pareng Ray satin?" Tanong ni Moon.

"Ay naku Papa Moon, he will try daw eh"sagot ko lang, pero syempre disappointed din naman ang lola nyo.

"Anyway... heto si Bea 2nd yr. Business Admin. Ang kinukuha niya.  Kung mapapansin niyo burado ang  kanang kamay nya sa picture, according sa nakalap kong chismis I mean kwento eh namatayan siya ng ate" simula ng report ko sa kanila.

"Ganun din si Debbie, wala siyang kaliwang kamay sa picture same lang din kay Bea nawalan naman siya ng kuya" pagpapatuloy ko.

"Ang magpinsan naman na ito na si Nancy at Nicky, burado ang mga paa nila, nawalan naman sila ng pinsan" habang tinuturo ang mga picture.

"Si Ella naman wala ang mismong ulo nya sa picture, namatayan naman siya ng parents" sabay iling ko.

Natahimik lang ang lahat at pare parehong nagiisip.

"Eh ang mga date kung kelan namatay ang mga mahal nila sa buhay nalaman mo ba?" Tanong ni Azra.

"Jan.1 namatay ang kapatid ni Bea, April 21 naman yung kay Debbie, tapos sa magpinsan May 21, yung kay Ella December 11" sagot ko.

"So magkakaiba din naman pala ang mga dates..." isip ni papa Ram.

"Eh ang pagkamatay nila? Magkakapareha ba?" Tanong naman ni Papa Moon.

Napailing ako.

"Cancer ang ikinamatay ng kapatid ni Bea, nagpakamatay naman ang kapatid ni Debbie, car accident sa parents ni Ella at pagkalunod naman sa pinsan nila Nancy at Nicky" sagot ko.

"Eh ang mama ko naman namatay nung pinanganak kami ni Dawn" singit ni Eve.

"November 1" sabi ni Ram. "How about you Rukia? Anong kinamatay ng Dad mo at kelan?" Tanong nito na parang nahihiya pa.

" hmmmn, heart attack ang kinamatay nya, July 19"  sagot ko.

"Ang gulo, wala akong maisip n connection" sabi ni Sid.

"Lahat ng dates... may number 1" singit ni Luke.

Napatingin ang lahat sa kanya, akala namin busy lang siya sa paglalaro sa smart phone game nya, nakikinig pala siya.

"Cassett kelan ang birthday mo?" Tanong ni Azra sa kanya.

" Feb. 20" sagot naman ng kaibigan kong ang gulo gulo nanaman ng buhok.

"O walang 1?" Kamot ulo naman ni Sid.

"Dahil hindi naman siya ang namatay, kung hindi si Kuya Moon" sagot nanaman ni Luke.

Yung totoo? Luke may balak ka bang mag audition bilang detective conan? O Sherlock Holmes paglaki mo?

"That's right, as far as I can remember, ipanganak man si C.K for sure mas matanda siya ng ilang minuto kay C.L" sabi naman ni Kuha Ice.

Moon and the Angel Of DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon