Chapter 52: Bilocation

242 22 6
                                    

CASETTE POV

Simula ng makabalik sila Ram at Eve, si Azra naman ngayon ang hindi mahagilap, kasama pa naman niya yung mukhang babae na super bango pa si Aroma.

As usual balik busy-busyhan ulit sa school, bumalik na ulit sila Rukia at Ray sa Baguio kasama din si Mirage. Kaya ayun si Liam parang ginagawang kanto lang ang kakabyahe nya sa Baguio. Kung sabagay next sem nalang daw kasi siya ulit mageenroll at balak nyang pumasok sa University of Baguio kasama si Mirage at Rukia.

Si Lacey next sem nalang din daw mageenroll sa school ko.

Pinipilit kong kulitin si Moon tungkol sa napagusapan nila ni Azra pero lagi lang nyang sagot.

"Hwag ka nga makulit Cassett, wala yun"

Kaya pagbalik ni Azra siya nalang ang kukulitin ko. Nasan na nga ba kasi ang dark angel na yun?

Ang tagal naman nila? Akala ko ba may meeting ang Ignition?

"Cassett?" Boses mula sa pinto.

"Sky? O bakit?" Tanong ko kasama nya as usual si Clover.

"Long time no see" ngiti nito sakin, looks like nagbalik na ang matamis at nakakasilaw nitong smile.

"Oo nga eh, alam mo na bigla bila nalang may mga nangyayaring kababalaghan" tawa ko.

He just smiled.

Pero awkward.

"Glad to see that you are just doing fine" sabi nito.

"Would you like me to leave muna? Para makapagusap kayo?" Ngiti ni Clover.

"No need, uhmmn Cassett pakibigay nalang to kay Willow para ito sa gagawing Halloween party kasabay ng Club Festival, marami kasing  nagrerequest na sana daw magperform ulit ang Ignition" paliwanag ni Skyler.

"Ok sige sabihan ko nalang sila" sagot ko.

Halloween party? Naku kung costume lang hindi ko na kailangan mageffort lol!

Nakareceive ako ng messege galing kay Willow at cancel muna daw ang meeting.

Hay, san naman kaya ako tatambay ngayon?

"O bestfriend? Ok kalang? Nasan na sila?" Si Ian.

"Hindi mo ba narecieved ang messege nila Willow, cancel muna daw ang meeting " sabi ko.

"Nice! Tamang-tama, maagang natapos ang klase ni Karis, sama ka bestfriend?" Alok nito.

"Oh? Kailangan nyo pa ba ng chaperon bestfriend?" Natatawa kong sabi.

"Baliw! Ano ka ba? Lett, tara na, tayo tayo naman ang magbonding, mamamasyal lang naman tayo nila Karis sa Star Kingdom" invite ulit nito.

"Sige na nga bestfriend, tutal malapit lang naman ang theme park na yun" sagot ko.

Sinubukan din naming yayain ang iba pero si busy ang mga lolo't lola nyo.
Kaya kaming tatlo nalang ang natuloy magpunta sa theme park.

Gusto ko sanang magback out pero  inunahan na ko ng kapit sa braso nila Karia at Ian. Kasi naman parang nakaka O.P naman yata?

Pagdating sa pila para sa ticket.

"Ate Cass?" Si Luke at...

"Hero? Tama ba?" Tanong ko.

Napasmile naman ang binatilyo. Mukhang mas naging magkalapit ang pinsan ko at kapatid ni Saver.

"Best Friend, Karis samahan ko nalang ang dalawang batang to" paalam ko sabay hila sa dalawa.

Moon and the Angel Of DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon