CASSETT POV
Ano ba naman kasing pinagsasasabi ng doctor kina mama at kuya Ice.
Hatid sundo pa ko ngayon sa school, daig ko pa nung high school ako ah? Isa pa tong si Sid naisipang magtransfer dito pa sa University na pinapasukan ko.
Palagay ko mamamatay ako sa pagkasakal at hindi sa sakit ng puso ko. Ang higpit niolang lahat sakin.
"hello? Ian? bestfriend? kita naman tayo sa cafe mamya oh?" lambing ko sa bestfriend ko.
"Sorry Lett, hindi kami pwede ni Karis eh, she's working on some kind of cases study and I need to help her, at tutulungan din nya ko sa project ko" sagot nito.
"ganun ba?" disappointed kong sabi.
"Sorry! promise babawi ako sayo bestfriend" sabi pa nito.
"Ikaw talaga... o siya sige, uhmmmn... Ian" biglang kong pahabol na sabi "I miss you bestfriend kayo nila Karis" sabay patay ng phone ko.
Kainis... simula ng araw ng paglabas ko ng hospital, malaki ang pagbabago ng grupo. Siguro dahil mas busy nadin kami sa mga studies namin, at lay low muna sa gimikan dahil a insidenteng nangyari nuon sa bar. At for sure dahil nadin sa kalagayan ko. Tapos sila Rukia at Ray, hindi na nagawang makapagpaalam sakin nung nagtungo na sila sa Baguio para mag-aral.
I know I'm ok, kung kalusugan din ang paguusapan, pero... mas masakit sa puso ang nararamdaman kong lungkot.
"Cassett? long time no see ah?" si Anya kasama si Ace.
Teka? bakit nandito nanaman ako sa abandonadong gym nato? ano ba yan? nakatulala lang kasi akong naglalakad kanina eh.
"Wazzup?" bati ni Ace habang naglalaro ng bola. Addict talaga to sa basketball.
"Ayos lang" sagot ko.
"o kumusta na kayo ng jowa mong si Skyler?" tanong ni Anya.
Oo nga noh? kumusta na nga ba ang lalaking yun?
"Cassett?" boses mula sa likuran.
Paglingon ko.
"Speaking..." masungit na sabi ni Ace.
"I'll go ahead..." sabi ko nalang sa dalawang multo.
"What are you doing here? sinong mga kausap mo?" tanong niya.
"wala kang pakialam, isa pa kahit sabihin ko naman sayo, hindi mo naman sila nakikita eh" sagot ko. Putek! pati ako nagulat sa mga salitang binitawan ko.
Halatang nagtaka siya sa inasal ko.
"Ah... uhmmn, sorry Skyler, sige una na ko" iwas ko sa kanya.
"hey... siguro nga hindi kita matutulungan kung pagdating sa mga muto o kababalaghan ang paguusapan, pero I'm still here as your normal friend" sabi nito.
Normal friend? tss.... "yeah right" I answered coldly. Susyal!
Nakasalubong ko si Clover.
"Oh Hi! Miss Cassett? san ka galing?" tanong niya.
"May kinumusta lang ako" sagot ko.
Napalingon siya sa likuran at nakita si Skyler.
"I see" sagot lang nya.
Naglakad na ko papalayo sa dalawa ng makita ko naman ang magjowa na nakilala ko nuon, Si Willow at Saver kung hindi ako nagkakamali.
Parang galit na galit yung gwapong lalaki na si Saver.
BINABASA MO ANG
Moon and the Angel Of Death
Teen Fiction"Moon" is a guardian ghost na nangakong proprotektahan ang kanyang kakambal na si Cassett mula sa mga kakaibang pangyayari o masasamang elemento sa mundong ito. What if kung makikilala niya at makasama ang Angel of Death bilang isang kaluluwang lig...