Chapter 63: Electricity Flow

194 12 30
                                    

MOON POV

Hindi pa man kami nakakaliko sa pasilyo kung saan naamoy ko si Aroma, hinagisan na kami ng matatalim na icicles ni Chill. 

"Yow! it's us" sabi ni Trick, na nakataas pa ang kamay. 

"Trick? what are you doing here?" pabulong na tanong ni Chill, at nung mapatingin sakin. "follow me" sabi nito, at pumasok kami sa isang kwarto.

"Where is Aroma?" tanong ko. 

"Kausap pa si Justice" sagot nito.

"What happened to Static at Jail pala?" tanong ni Trick.

Nagkatinginan sila Chill at Lux. 

"Well... kasama din sila ni Aroma" sagot lang ni Chill.

"really? hindi ba dapat malaking kaguluhan yun?" tanong ni Trick. 

"Aroma... did something to them" halos pabulong na sabi ni Lux at napaiwas tingin ito sakin.

Ano naman kaya? 

"Anyway, Chill! we need you to come with us, we need your help" sabi ko. 

"What happened?" tanong naman nito. "bakit ako?"

"Please, pahintuin mo ang pagdaloy ng kuryente ni Static sa katawan ng kapatid ko" pakiusap ko. 

"Oh, that's not good. Pero, I'm sorry I can't stop that, well... pwede kong pabagalin ang kuryente pero hindi ang pigilan o tanggalin ito" sagot niya. 

"Then how can we remove the electricity?" tanong ko. 

Nagkatinginan naman ang tatlo. 

"I don't know" bulong ni Chill. 

Pati sila Lux at Trick, wala ding idea. 

"Si Metalloid ang pwedeng tumulong sa inyo" si Aroma, nakikinig na pala sa amin. 

"Sino naman ang Metalloid na yan?" tanong ko. 

"Metalloid? the angel of metals? how?" tanong din ni Trick. 

Napangiti lang si Aroma. 

"Chill, go with them and help Cassett, I will look for Metalloid" sabi lang ni Aroma. 

"I will go with you" sabi ni Trick. 

Bago pa sila umalis, inihagis ni Aroma ang apple of mortality. "ibigay mo na ito kay Azra, pero my advise is, hwag muna nyang kainin yan" 

"Why?" tanong ko. 

Napatitig siya ng seryoso. "Things are a little bit complicated around this place, at makakabuti kay Azra na taglay padin nya ang instinct nya bilang Angel of Death, at ikaw din... pag-isipan mo ng mabuti kung ayaw mo ba talagang bahagi ng mundong ito" payo niya.  

"What do you mean Aroma?" tanong ko.

"You should be going, sa tantya ko konting oras nalang bago tumagos ang kuryente sa puso ng kapatid mo" paalam nito, sabay silang naglaho ni Trick. 

Mabilis din kaming bumalik ni Chill sa kapatid ko, samantalang si Lux ay nagpaiwan para malaman din ang nangyayari sa Gate of Heaven and Hell at mukhang damay kasi kami ni Azra sa kaguluhang tinutukoy ni Aroma. 

Pagbalik namin, nasa sala lang ang tropa at nanduon nadin pala si Kuya Ice, mukhang naipaliwanag naman na nila ang nangyari sa amin. 

Lumapit ito sa akin at tinapik lang ang balikat ko. Pero hindi sya kumibo, dahil nadin siguro hindi na niya alam ang sasabihin sa akin. 

Pagpasok ko ng kwarto, nakabantay lang si Azra. 

"Chill, please help her" pakiusap nito. 

Napatango lang si Chill at sinimulan nyang gamitin ang kapangyarihan nyang yelo sa katawan ng kapatid ko. She's not touching Cassette's skin  pero nakikita ko na parang nagfro-frost ang balat nito. 

Moon and the Angel Of DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon